Acne rosacea
- Huwag ikalito sa halamang Rosaceae.
Ang acne rosacea ay ang sakit sa balat na nagsisimula sa pamumula (na pinagmulan ng pangalan nitong acne rosacea, literal na "mapulang akne"), karaniwan na ng mukha, na masusundan pagdaka ng paglitaw sa apektadong balat ng mga papule o kaya ng mga tagyawat na katulad ng sa acne vulgaris. Subalit hindi katulad ng acne vulgaris na lumilitaw sa maagang bahagi ng buhay, ang acne rosacea ay lumilitaw sa panggitnang yugto ng buhay, at mas madalas na umaapekto sa kababaihan. Ang mga diperensiya ng tiyan at ng mga organong pangkasarian sa mga babae ay nangunguna sa pagiging sanhi ng akne na ito. Maaari ito sa mga tao na palaging umiiwas sa pag-inom ng alak, subalit ang alkohol din at tsaa ay maaaring may kaugnayan din sa sakit para sa ibang mga kaso. Ang pagkabantad ng mukha sa init o malamig na hangin ay posible ring maging sanhi.[1]
Ang pamumula, na sa una ay pansamantala lamang, ay nagiging tumatagal at an gkulay nito ay nagiging mas maitim. Sa paglaon, laging naging nakabuka ang mga daluyan ng dugo. Maaaring lumitaw ang mga papule o mga tagyawat na maaaring magnana. Sa ilang mga kaso, ang ilong ay maaaring maging napakalaki at nasisira ang porma, isang kalagayan na tinatawag na rhinophyma.[1]
Paggagamot
baguhinAng lunas ay nakatuon sa pag-iwas sa pag-inom ng alak, kape, at tsaa. Ginagamit ang cascara sa pagreregula ng mga bituka. Ang diyeta ay ginagawang payak at bahagya lamang ang dami. Kapag mayroong dyspepsia o pagsusuka (at kung labis pangangasim pagkaraan), isa sa panglunas ang pagbibigay ng pinaghalu-halong 2 drachm ng bismuth carbonate, 4 na drachm ng sodium bicarbonate, at 6 drachm ng heavy magnesium carbonate na ipinaiinom ng kaunti mula sa isang kutsarita na may kahalong kaunting gatas (tatlong beses isang araw).[1]
Ang apektadong balat ay maaaring pahiran ng lotion na binubuo ng 4 drachm ng malakas na solusyon ng lead sub-acetate, liquor carbonis detergens, rectified spirits of wine (itinumpak na mga espirito ng alak), dalawang beses isang araw. Maaari ring gamiting pamalit ang 15 grano ng resorcin, 2 drachm ng pulbos ng zinc oxice, 2 drachm ng pinulbos na talc, at 1 onsa ng vaseline. Subalit kapag nagtagal ang karamdaman at nangapal ang balat, maaaring maging kailangan ang paggamit ng liwanag o X-ray, o kaya pag-oopera.[1]