Si Rosalind Wright Picard ay isinilang noong Mayo 17, 1962. [1] Sya ay isang amerikanang iskolar, imbentor at propesor ng Sining ng Medya at Agham sa MIT, tagapagtatag at direktor ng grupong nanaliksik tungkol sa Emosyonal na pagproseso ng kumputasyon sa laboratoryo ng medya sa MIT, Sya rin ay nakipagtulungang maitatag ang mga kompanyang Affectiva [2] at Empatica . [3]

Rosalind Picard
Si Rosalind Picard sa Veritas Forum Science, Faith, and Technology session on "Living Machines: Can Robots Become Human?"
Kapanganakan (1962-05-17) 17 Mayo 1962 (edad 62)
NagtaposMassachusetts Institute of Technology
Georgia Institute of Technology
Karera sa agham
InstitusyonMIT Media Lab
TesisTexture Modeling: Temperature Effects on Markov/Gibbs Random Fields (1991)
Doctoral advisorAlex Pentland
Jae Soo Lim
Sanjoy K. Mitter
Websitemedia.mit.edu/people/picard/overview/

Nakatanggap siya ng maraming pagkilala para sa kanyang pananaliksik at mga imbensyon. Noong 2005, siya ay naging kasapi ng Instituto ng mga Elektrikal at Elektronikong mga Enhinyero para sa kanyang mga kontribusyon sa pagsusuri ng mga imahe at bidyo sa Emosyonal na pagproseso ng kumputasyon. [4] Noong 2019, nakatanggap siya ng isa sa pinakamataas na propesyonal na parangal na iginagawad sa isang enhinyero, naitalaga rin sya sa Pambansang Akademya ng Enhinyeriya para sa kanyang mga kontribusyon sa Emosyonal na pagproseso ng kumputasyon. [5] Noong 2021 siya ay kinilala bilang kasapi ng ACM para sa kanyang mga kontribusyon sa pagsesensong pang-pisyolohikal na signal para sa pang-indibidwal na kalusugan at kagalingan. [6] Noong 2021 siya ay inihalal sa Pambansang Akademya ng mga Imbentor, [7] na kumikilala sa mga natatanging imbensyon at nakagawa ng isang tiyak na epekto sa kalidad ng buhay, pag-unlad ng ekonomiya at kapakanan ng lipunan. Noong 2022 siya ay pinarangalan ng Internasyonal na gantimpalang Lombardy para sa kanyang pananaliksik tungkol sa agham ng kompyuter, [8] na nagbigay ng 1 milyong yuro bilang parangal, ito ay kanyang ibinahagi upang suportahan ang pananaliksik na digital sa kalusugan at neurolohiya upang makatulong na iligtas ang buhay ng mga taong may epilepsy at ng mga batang o sanggol na biglaang namamatay o tinatawag ding SIDS. [9] [10] [11]

  1. Rosalind Wright Picard - Faculty Personnel Record, Massachusetts Institute of Technology, November 30, 2017
  2. Kerstetter, Jim (February 2, 2013). "Building better Super Bowl ads by watching you watch them". CNET. Nakuha noong February 3, 2013.
  3. "Crowdfunding medical devices raises money — and questions". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-04-13. Nakuha noong 2017-06-22.
  4. "2005 Fellows". IEEE Boston. 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-17. Nakuha noong 2008-05-05.
  5. "National Academy of Engineering elects 86 members and 18 foreign members". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-31. Nakuha noong 2019-02-07.
  6. "ACM Names 71 Fellows for Computing Advances that are Driving Innovation". Nakuha noong 2022-01-20.
  7. "National Academy of Fellows List". Nakuha noong 2022-08-25.
  8. "Premio Internazionale Lombardia è Ricerca". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-11-10. Nakuha noong 2022-11-09.
  9. "Rosalind Picard awarded with the Lombardy "Nobel": Niguarda and Buzzi research projects with artificial intelligence to save lives". MSN. Nakuha noong 2022-11-11.
  10. "Lombardia is Research: the scientist Rosalind Picard awarded". 9 November 2022. Nakuha noong 2022-11-11.
  11. "Lombardia and Research Award to Rosalind Picard:she will collaborate with Buzzi and Niguarda". Nakuha noong 2022-11-11.