Row, Row, Row Your Boat
Awiting pambata na nagmula sa Estados Unidos
Ang "Row, Row, Row Your Boat" ay isang sikat na pambatang tula at awit sa wikang Ingles. Maari din itong maging pambatang tula na may "galaw," na ang mga umaawit ay nakaupo ng tapatan sa isa't isa at "sumasagwan" ng pasulong at pabalik na magkahawak kamay. Mayroong itong Roud Folk Song Index na 19236.
Isinama ito ni Bing Crosby sa kanyang samutsaring awitin sa kanyang album na 101 Gang Songs (1961). Ginamit din Crosby ang awit na ito bilang bahagi ng isang round kasama ang kanyang pamilya sa kanyang konsiyerto sa London Palladium noong 1976. Naitala ang pagtatanghal sa album na Bing Crosby Live at the London Palladium.