Roxelana
Si Hürrem Haseki Sultan (Pagbigkas sa Turko: [hyɾˈɾem haseˈci suɫˈtaːn]) (Turkong Otomano: خرم سلطان, c. 1500 – 15 Abril 1558) (na ipinanganak bilang Roxalana,[1] Roxelana o Alexandra Lisowska) ay ang asawa at haseki sultan ni Suleiman ang Maringal at ina nina Şehzade Mehmed, Mihrimah Sultan, Selim II, Şehzade Beyazıt at Şehzade Cihangir.[2] Isa siya sa pinakamakapangyarihang babae sa Kasaysayang Ottomano at isang bantog na tao noong panahon ng kasultanan ng kababaihan. Nagkamit siya ng kapangyarihan at nakaimpluwensiya sa politika ng Imperyong Ottomano sa pamamagitan ng kaniyang asawa at gumanap ng isang masiglang gampanin sa mga gawaing pang-estado ng Imperyo.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Roxalana". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., WHO WAS SULEIMAN THE MAGNIFICENT?, pahina 28.
- ↑ The Imperial House of Osman GENEALOGY
- ↑ "Ayşe Özakbaş, Hürrem Sultan, Tarih Dergisi, Sayı 36, 2000". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-13. Nakuha noong 2013-05-06.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Turkiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.