Roy Campanella
Si Roy Campanella, Sr. (Nobyembre 19, 1921 – Hunyo 26, 1993), binansagang "Campy", ay isang Aprikanong Amerikanong manlalaro ng beisbol — pangunahin na sa puwestong tagasalo ng bola (catcher) — sa mga Ligang Pang-Itim (Negro Leagues) at Pangunahing Liga ng Beisbol (Major League Baseball). Ipinanganak siya sa Philadelphia, Pennsylvania.
Malawakang itinuturing bilang isa sa mga pinakamagaling na mansasalo sa kasaysayan ng laro,[1] naglaro si Campanella para sa Brooklyn Dodgers noong mga 1940 at mga 1950, bilang isa sa mga tagapanimula sa pagbuwag ng hadlang dahil sa kulay sa larangan ng beisbol sa Pangunahing Liga ng Beisbol. Naudlot ang kanyang karera noong 1958 nang maging paralisado siya dahil sa isang aksidenteng pangsasakyan.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ Ott, Tim (2002-07-17). "All-time unpredictable fantasy leaguers". Major League Baseball. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-04. Nakuha noong 2007-06-29.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ Thomas, Robert MCG JR., - Obituaries: "Roy Campanella, 71, Dies; Was Dodger Hall of Famer". - New York Times. - Hunyo 28, 1993. - Nakuha noong 2008-05-29
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.