Ang Ruhr ( /ˈrʊər/ ROOR; Aleman: Ruhrgebiet [ˈʁuːɐ̯ɡəˌbiːt]  ( pakinggan)), na tinutukoy din bilang ang pook Ruhr, minsan distriton Ruhr, rehiyon ng Ruhr, o lambak Ruhr, ay isang polisentrikong urbanong pook sa Hilagang Renania-Westfalia, Alemanya. Sa densidad ng populasyon na 2,800/km 2 at populasyong higit sa 5 milyon (2017),[3] ito ang pinakamalaking urbanong pook sa Alemanya. Binubuo ito ng ilang malalaking lungsod na napapaligiran ng mga ilog Ruhr sa timog, Rin sa kanluran, at Lippe sa hilaga. Sa timog-kanluran ito ay hangganan ng Bergisches Land. Ito ay itinuturing na bahagi ng mas malaking kalakhang rehiyon ng Rin-Ruhr ng higit sa 10 milyong tao, na kabilang sa pinakamalaki sa Europa, sa likod lamang ng London at Paris.

Ruhr

Ruhrgebiet
Kalakhang Ruhr
Metropole Ruhr
Opisyal na sagisag ng Ruhr
Sagisag
Mapa ng Ruhr sa loob ng Alemanya
Mapa ng Ruhr sa loob ng Alemanya
Mga koordinado: 51°30′N 7°30′E / 51.500°N 7.500°E / 51.500; 7.500
Bansa Germany
Estado North Rhine-Westphalia
Mga pinakamalaking lungsod
Pamahalaan
 • KonsehoRegionalverband Ruhr
Lawak
 • Metro
4,435 km2 (1,712 milya kuwadrado)
Pinakamataas na pook
441 m (1,447 tal)
Pinakamababang pook
13 m (43 tal)
Populasyon
 • Urban
5,118,681
 • Densidad sa urban1,646/km2 (4,260/milya kuwadrado)
 • Metro
10,680,783
Sona ng orasUTC+01:00 (CET)
GRP161 bilyon[1]
Websaytmetropoleruhr.de

Ang mga lungsod ng Ruhr ay, mula kanluran hanggang silangan: Duisburg, Oberhausen, Bottrop, Mülheim an der Ruhr, Essen, Gelsenkirchen, Bochum, Herne, Hagen, Dortmund, Lünen, Bergkamen, Hamm at ang mga distrito ng Wesel, Recklinghausen, Unna, at Ennepe-Ruhr-Kreis. Ang mga pinakamataong lungsod[4] ay ang Dortmund (na may populasyon na humigit-kumulang 588,000), Essen (mga 583,000), at Duisburg (mga 497,000).

Ang pook ng Ruhr ay walang sentrong pampangasiwaan bawat lungsod sa lugar ay may sariling administrasyon, bagaman mayroong suprakomunal na "Regionalverband Ruhr" na institusyon sa Essen. Para sa 2010, ang rehiyon ng Ruhr ay isa sa mga Europeong Kabesera ng Kultura.[5][6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "GDP table". appsso.eurostat.ec.europa.eu. Nakuha noong 2021-03-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. pinakamataas: Wengeberg sa Breckerfeld, pinakamababa: Xanten
  3. Ruhr, Regionalverband (2018-01-09). "Zensus 2011". www.metropoleruhr.de (sa wikang Aleman). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-06. Nakuha noong 2018-02-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Bevölkerung der Gemeinden Nordrhein-Westfalens am 31. Dezember 2019" (sa wikang Aleman). Landesbetrieb Information und Technik NRW. Nakuha noong 17 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "EUR-Lex - 52011DC0921 - EN - EUR-Lex". eur-lex.europa.eu.
  6. "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Mayo 2009. Nakuha noong 31 Mayo 2019. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)