Rutang Pa-Siberia
Ang Rutang Pa-Siberia (Ruso: Сибирский тракт; Sibirsky trakt), kilala rin bilang Lansangang-bayan ng Moscow (Moskovsky trakt, Московский тракт) at Dakilang Lansangan-bayan (Bolshoi trakt, Большой тракт), ay isang makasaysayang ruta na kumonekta sa Europeong Rusya sa Siberia at Tsina.
Kasaysayan
baguhinItinalaga ang paggagawa ng kalsada ng Tsar at hindi nakumpleto hanggang kalagitnaan ng ika-19 na dantaon. Dati, ang transportasyong pa-Siberia ay halos sa pamamagitan ng ilog sa mga Rutang Ilog Pa-Siberia. Unang dumating ang Rusong nakipamayan sa pamamagitan ng Ruta ng Ilog Cherdyn na pinalitan ng Rutang Pangkatihan ng Babinov sa hulihan ng dekada 1590. Ang bayan ng Verkhoturye sa Ural ang naging pinakasilangang dako ng Kalsadang Babinov.
Nagsimula ang mas mahabang rutang pa-Siberia mula sa Moscow bilang Lansangang-bayan ng Vladimir at dumaan sa Murom, Kozmodemyansk, Kazan, Perm, Kungur, Yekaterinburg, Tyumen, Tobolsk, Tara, Kainsk, Tomsk, Yeniseysk at Irkutsk. Pagkatawid sa Lawa ng Baikal, naghiwalay ang kalsada malapit sa Verkhneudinsk. Nagpatuloy ang isang sangay pasilangan sa Nerchinsk habang pumunta naman ang isa patimog sa himpilan ng hangganan ng Kyakhta kung saan konektado ito sa mga karabana ng kamelyo na tumawid sa Mongolia patungo sa isang tarangkahan ng Mahabang Muog sa Kalgan.
Noong simula ng ika-19 na dantaon, inilipat ang ruta patimog. Mula Tyumen dumaan ang kalsada sa Yalutorovsk, Ishim, Omsk, Tomsk, Achinsk at Krasnoyarsk bago makasama muli sa mas lumang ruta sa Irkutsk. Nanatili ito bilang mahalagang daan na kumokonekta ng Siberia sa Moscow at Europa hanggang mga huling dekada ng ika-19 na dantaon, noong pinalitan ito ng Daambakal Transiberiyano at Kalsadang Pangkariton ng Amur. The automobile equivalent is the Langsangang Transiberiyano.
Etimolohiya at legasiya ng pangalan
baguhinNakilala rin ang Rutang Pa-Siberia bilang Kalsada ng Tsaa, dahil sa napakaraming tsaa na inihakot mula Tsina patungo sa Europa sa pamamagitan ng Siberia. Sumang-ayon si Charles Wenyon, na dumaan sa "Dakilang Kalsadang Pangkoreo" ng 1893, sa sikat na paniniwala na "pumupunta sa Rusya ang pinakamagandang tsaa na nagawa sa Tsina".[1]
Noong 1915, iniluwas ng Tsina 70,297 tonelada ng tsaa patungong Siberia, na nanagot sa 65% ng kabuuang iniluwas na tsaa.[2] Kapangalan ng ruta ang Russian Caravan na halo ng tsaa.
Pangunahin nang inangkat ito sa anyo ng mabigat at pikpik na ladrilyo ng tsaa na nagpahintulot sa bawat kamelyo na magbuhat ng napakarami sa mas siksik na paraan[3] at mapagkakamalan na yunit ng salapi. Mula Kyakhta, inihakot ang tsaa patungong perya ng Irbit para sa mga karagdagang transaksyong pangkalakalan. Ang isa pang sikat na inangkat mula sa Tsina ay tinuyong ugat ng ruwibarbo, na ipinagbili sa kanluran ng San Petersburgo ng labinlimang beses ng presyo nito sa Kyakhta".[4]
Mga sanggunian
baguhin- Avery, Martha. The Tea Road: China and Russia Meet Across the Steppe [Ang Kalsada ng Tsaa: Nagkakasalubong ang Tsina at Rusya sa Estepa] (sa wikang Ingles). Mandarin Books, 2003. ISBN 7-5085-0380-5.
- Alexander Michie, 'The Siberian Overland Route from Peking to Petersburg' [Ang Rutang Pangkatihan Pa-Siberia mula Peking patungo sa Petersburg] (sa wikang Ingles), 1864. -sumunod sa ruta noong 1863
- ↑ Wenyon, Charles. Across Siberia on the Great Post-road [Sa Iba't Ibang Panig ng Siberia sa Dakilang Kalsadang Pangkoreo] (sa wikang Ingles). Charles H. Kelly, London, 1896, Pa. 76 (muling inilimbag ng Ayer Publishing, 1971).
- ↑ M. I. Sladkovskii. History of Economic Relations Between Russia & China [Kasaysayan ng Kaugnayang Pang-ekonomiko ng Rusya at Tsina] (sa wikang Ingles). Transaction Publishers, 2007. ISBN 1-4128-0639-9. Page 129.
- ↑ Mary Lou Heiss, Robert J. Heiss. The Story of Tea: A Cultural, History and Drinking Guide [Ang Kuwento ng Tsaa: Isang Pangkalinangang Kasaysayan at Gabay sa Pag-inom] (sa wikang Ingles). Ten Speed Press, 2007. ISBN 1-58008-745-0. Page 211.
- ↑ W. Bruce Lincoln. The Conquest of a Continent: Siberia and the Russians [Ang Pananakop ng Isang Kontinente: Siberia at mga Ruso] (sa wikang Ingles). Cornell University Press, 2007. Page 146.