SQL
Ang SQL (Structured Query Language) ay isang wikang pamprograma na ginagamit sa pamamahala ng data sa isang relasyonal na sistemang database. Ang pamamahala sa data ay kinabibilangan ng pagpasok ng data(insert), kweri(query) o pagtingin sa data, pagbabago ng data(update), pagbura ng data(delete), paglikha ng mga tabla at skema at pagbibigay karapatan sa mga manggagamit ng database at iba pa.
Mga ginagamit na instruksiyon
baguhinPaglikha ng tabla
baguhinAng instruksiyon na ginagamit sa paglikha ng tabla ng isang database ay:
CREATE TABLE Estudyante(
ID INT,
Pangalan VARCHAR(50),
Tirahan VARCHAR(50),
PRIMARY KEY (ID)
);
Ang tablang Estudyante ay nilikha na may mga kolumn na ID, pangalan, at petsa kung saan ang pangunahing susi(primary key) ay ang ID.
Pagpasok
baguhinUpang lagyan ng data ang tablang nilikha, ang sumusunod na instruksiyon ay ginagamit:
INSERT INTO Estudyante
(ID, Pangalan, Tirahan)
VALUES
(102, Juan dela Cruz , 222 Maligaya St. Lungsod Quezon);
INSERT INTO Estudyante
(ID, Pangalan, Tirahan)
VALUES
(202, Jose Santos , 333 Masagana St. Tondo);
INSERT INTO Estudyante
(ID, Pangalan, Tirahan)
VALUES
(104, Michael Reyes , 444 Mahusay St. Paranaque);
INSERT INTO Estudyante
(ID, Pangalan, Tirahan)
VALUES
(152, Lisa Aquino , 555 Masinop St. Makati);
Pagkatapos mapasok ang apat na row ng data, ang resulta ng tabla ay:
ID | Pangalan | Tirahan |
---|---|---|
102 | Juan dela Cruz | 222 Maligaya St. Lungsod Quezon |
202 | Jose Santos | 333 Masagana St. Tondo |
104 | Michael Reyes | 444 Mahusay St. Paranaque |
152 | Lisa Aquino | 555 Masinop St. Makati |
Kweri(Query)
baguhinAng instuksiyong SELECT
ay ginagamit sa pagtingin ng row sa isang tabla. Ang SELECT ay nagbabalik ng lahat ng row sa isang tabla. Upang salain ang mga row ayon sa isang kriteria, ang SELECT * ay ginagamitan ng mga argumento gaya ng sumusunod:
SELECT *
FROM Estudyante
WHERE Pangalan="Juan dela Cruz";
Ang row lamang ng estudyante na nasa tablang "Estudyante" ang ipapakita kung ito ay may pangalan na Juan dela Cruz.
Pagbabago
baguhinUpang baguhin ang field(column), ang instruksiyon ay sumusunod:
UPDATE Estudyante
SET Tirahan = "212 Bayani St. Bulacan"
WHERE ID=102
Ang resulta ay pagbabago ng tirahan ng estudyanteng may ID na 102 sa "212 Bayani St. Bulacan". Ang resulta ng tabla pagkatapos ng pagbabago ay:
ID | Pangalan | Tirahan |
---|---|---|
102 | Juan dela Cruz | 212 Bayani St. Bulacan |
202 | Jose Santos | 333 Masagana St. Tondo |
104 | Michael Reyes | 444 Mahusay St. Paranaque |
152 | Lisa Aquino | 555 Masinop St. Makati |
Pagbura
baguhinDELETE FROM Estudyante
WHERE Pangalan="Juan dela Cruz";
Ang estudyanteng si Juan dela Cruz ay binura sa tabla. Ang resulta ng tabla ay:
ID | Pangalan | Tirahan |
---|---|---|
202 | Jose Santos | 333 Masagana St. Tondo Manila |
104 | Michael Reyes | 444 Mahusay St. Paranaque |
152 | Lisa Aquino | 555 Masinop St. Makati |
Pagdudugtong(Join)
baguhinAng Join(gaya ng INNER JOIN, OUTER JOIN, at iba pa) ay ginagamit upang pagdugtungin ang dalawang tabla. Halimbawa, ang dalawang tablang Estudyante at Pagsusulit ay mapagdudugtong gamit ang pagdudugtong ng pangunahing susi ng Estudyante sa dayuhang susi ng Pagsusulit.
Lumikha ng bagong tablang Pagsusulit:
CREATE TABLE Pagsusulit(
ID INT NOT NULL,
Marka INT,
Asignatura VARCHAR(20)
CONSTRAINT Pagsusulit PRIMARY KEY (PagsusulitID),
CONSTRAINT FK_Pagsusulit FOREIGN KEY (EstudyanteID)
REFERENCES Estudyante(EstudyanteID)
)TYPE = InnoDB;
Lagyan ng data:
INSERT INTO Pagsusulit
(ID, Marka, PagsusulitID)
VALUES
(202, 90, 233);
INSERT INTO Pagsusulit
(EstudyanteID, Marka, PagsusulitID)
VALUES
(202, 100, 444);
INSERT INTO Pagsusulit
(EstudyanteID, Marka,PagsusulitID)
VALUES
(104, 98, 111);
INSERT INTO Pagsusulit
(EstudyanteID, Marka, PagsusulitID)
VALUES
(152, 98, 111);
Ang resulta ng tablang Pagsusulit ay:
EstudyanteID | Marka | PagsusulitID |
---|---|---|
202 | 90 | 233 |
202 | 100 | 444 |
104 | 98 | 111 |
152 | 98 | 111 |
Pagdugtungin ang dalawang tabla:
SELECT Estudyante.ID as EstudyanteID, Estudyante.Pangalan AS Pangalan, Pagsusulit.Marka AS Marka, Pagsusulit.PagsusulitID AS PagsusulitID
FROM Estudyante
INNER JOIN Pagsusulit
ON Estudyante.ID = Pagsusulit.EstudyanteID
Ang resulta ay:
EstudyanteID | Pangalan | Marka | PagsusulitID |
---|---|---|---|
202 | Jose Santos | 90 | 233 |
202 | Jose Santos | 100 | 444 |
104 | Michael Reyes | 98 | 111 |
152 | Lisa Aquino | 98 | 111 |
Pagbura ng tabla
baguhinUpang burahin ang mga tablang Estudyante at Pagsusulit sa database, ang instruksiyon ay:
DROP Estudyante, Pagsusulit;