Saitis barbipes
Ang Saitis barbipes ay isang pangkaraniwang tumatalon na gagamba na mula sa rehiyon ng Mediteranyo. Makikita ito sa mga bato at mga bahay. Nagmula ang pangalan ng uri sa Latin na barbipes na ibig sabihin ay may "balbas na paa".
Saitis barbipes | |
---|---|
Isang lalaking S. barbipes | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Arthropoda |
Subpilo: | Chelicerata |
Hati: | Arachnida |
Orden: | Araneae |
Infraorden: | Araneomorphae |
Pamilya: | Salticidae |
Sari: | Saitis |
Espesye: | S. barbipes
|
Pangalang binomial | |
Saitis barbipes (Simon, 1868)
| |
Kasingkahulugan | |
Attus barbipes |
Pagkakalarawan
baguhinAng mga babae ng uri ay umaabot sa 5 hanggang 6 mm sa haba ng katawan. Ang mga babae ay may malamlam na kayumangging kulay. Ang lalaki ay mas maliit at mas matingkad ang mga kulay kapag tinignan sa harapan. Meron silang luntiang mga mata, itim na mga marka sa apat na paang nasa harapan at pulang kulay sa taas ng mga mata. Maari itong isa sa mga pinakamakulay na uri ng tumatalon ng gagamba sa Europa. Ang pinakakilalang bahagi nito ay ang malalaking pangatlong paa. Ang mga paang ito ay pula pagmalapit sa katawan at nagiging itim pag lumalayo at puti sa dulo. Ginagamit ang mga ito sa panliligaw at pinangkakaway ng lalaki pag nakakakita ng babae. Pinapatunog nito ang mga paa na ito habang lumalapit sa babae. Kung gusto siya ng babae ay uupo ito at itataas ang tiyan.
Sanggunian
baguhin- Sayaw ng panliligaw ng Saitis barbipes Naka-arkibo 2008-06-06 sa Wayback Machine. (may larawan)
- Platnick, Norman I. (2008): The world spider catalog, version 8.5. American Museum of Natural History.