Ang hindi maliwanag na haring na si Sakir-Har ay kamakailang natuklasan sa isang hinukay na hamba ng pinto mula sa Tell el-Dab'a ng Sinaunang Ehipto ni Manfred Bietak. Ang kanyang titularyo (Nebti at mga pangalang Ginintuang Falcon gayundin ang kanyang nome) ay makikita sa hamba ng pinto na Cairo TD-8316.[1] Ayon kay Kim Ryholt ito ay mababasa bilang:

z
k
r
h
r
Sakir-Har
sa hiroglipo

[Horus na... ...], Ang nag-aangknin ng mga diademang Wadjet at Nekhbet na nagpasuko ng mga taong pana. Ang Ginintuang Falcon ay nagtatatag ng kanyang hangganan. Ang heka-khawaset, Sakir-Har. [2][3]

Ang hamba ng pinto ay kumukumpirma sa pagkakakilanlan ni Sakir-Har bilang isa sa unang tatlong hari ng Hyksos na Ikalabinglimang Dinastiya ng Ehipto. Ang kanyang kahaliling ay ang pinunong Hyksos na si Khyan kung siya ang ikatlong haring Hyksos ng dinastiyang ito ngunit ang tiyak na posisyon ni Sakir-Har sa dinastiyang ito ay hindi pa napapatunayan. Ang pangalang Sakir-Har ay isinasaling 'Gantimpala ni Har'.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kim Ryholt, The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period c.1800-1550 B.C., Museum Tuscalanum Press, 1997. p.120
  2. Ryholt, p.123
  3. Charlotte Booth, The Hyksos period in Egypt, A Shire Egyptology Book, 2005. p.31 [1]
  4. Ryholt, pp.127-128