Sakit ng amyloid
Ang sakit ng amyloid o karamdaman ng amyloid (Ingles: amyloid disease), tinatawag ding sakit na mapagkit (Ingles: waxy disease) at sakit na mamantika (Ingles: lardaceous disease) ay isang kakaibang dehenerasyon o pagkabulok na matatagpuan sa ilang mga tisyu ng katawan, partikular na ang sa atay, pali, mga bato, mga bituka, at mga sisidlang daluyan ng dugo. Ang mga ito ay lumilitaw sa mga kaso ng pagkakaroon ng matagalang supurasyon o pagnanana, katulad ng sa masulong na mga kaso ng tuberkulosis at sipilis, at sa bihirang mga pagkakataon ay sa iba pang mga sakit. Ang materyal na namumuo sa ganitong sakit ay naaaninag o napaglalagusan ng liwanag, na katulad ng pagkit.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Amyloid disease". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 30.