Sakong ni Aquiles

(Idinirekta mula sa Sakong ni Achilles)

Ang sakong ni Aquiles ay isang nakamamatay na kahinaan sa kabila ng pangkalahatang lakas, na talaga o maaaring makapagsanhi ng pagbagsak o pagkatalo. Habang tumutukoy ang pinagmulang mitolohiya sa kahinaan o pagkamaselan ng katawan, may karaniwang mga pagtukoy na patalinghaga sa iba pang mga katangian na maaaring magpapunta sa pagbagsak o pagkagapi.

Estatuwa ng Achilles thniskon (Aquiles na namamatay) sa Corfu Achilleion.

Ang pinakamatibay at pinakamalaking litid na kilala bilang litid ni Aquiles ang nagkukunekta ng mga masel na nasa pang-ibabang binti sa buto ng sakong. Ang mga isports na nagpapahigpit sa mga kalamnan o masel ng panlikod na binti, katulad ng basketbol, pagtakbo, at mataas na pagtalon, o kaya isang tuwirang pagtama sa paa, sakong, o likod ng binti ang maaaring makapagbigay ng labis na diin sa litid na ito at makapagdurulot ng isang pagkabanat (Achilles tendinitis, pamamaga ng litid ni Aquiles) o kaya ng isang hiwa sa litid na ito.[1]

Pinagmulan

baguhin

Hinango ang katagang "sakong ni Aquiles" mula sa Alamat ni Aquiles na nagsasabing ito ang pinakamahinang bahagi ng katawan ng bayaning Griyegong si Aquiles, ang mananalanta ng Troya. Noong kanyang pagkasanggol, isinawsaw si Aquiles ng kanyang inang si Thetis sa Ilog Styx na naging sanhi ng pagiging matatag ng katawan ni Aquiles, maliban na lamang sa bahagi ng sakong na pinaghawakan sa kanya ni Thetis. Si Apollo ang nagpuntirya ng isang palaso papunta sa litid ni Aquiles kaya't napaslang si Aquiles.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Achilles Tendon". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 11.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.