Trutsang kayumanggi

(Idinirekta mula sa Salmo trutta)

Ang kayumangging trutsa (Ingles: brown trout; pangalang pang-agham: Salmo trutta, literal na "salmong trutsa" o "trutsang salmon") ay orihinal na isang espesyeng Europeo ng isdang salmonid. Kabilang dito ang dalisay na mga populasyong pangtubig-tabang, na tinutukoy bilang Salmo trutta morpha fario at S. trutta morpha lacustris, at mga anyong anadromoso na nakikilalang bilang trutsang-dagat o trutsang pangdagat (Ingles: sea trout, pangalang pang-agham: S. trutta morpha trutta). Ang huli ay dumarayo sa mga karagatan sa karamihan ng panahon ng buhay nito at nagbabalik lamang sa tubig-tabang upang magbinhi o mangitlog.[2] Ang trutsang-dagat sa Nagkakaisang Kaharian at Irlanda ay mayroong maraming mga pangalang pangrehiyon kabilang na ang sewin (Wales), finnock (Iskotland), peal (West Country, "Kanlurang Bansa"), mort (Hilagang Kanlurang Ingglatera) at white trout o "puting trutsa" (Irlanda).

Trutsang kayumanggi
Bachforelle Zeichnung.jpg
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kingdom:
Phylum:
Class:
Order:
Family:
Genus:
Species:
Salmo trutta
Pangalang binomial
Salmo trutta
Mga morph

Salmo trutta morpha trutta
Salmo trutta morpha fario
Salmo trutta morpha lacustris

Ang palayaw na pang-espesyeng trutta ay hango mula sa Latin na trutta, na may literal na kahulugang trout o trutsa (truta o traut).

Mga sanggunianBaguhin

  1. Salmo trutta, The IUCN Red List of Threatened Species
  2. Trout Science: "Science of Trout"


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.