Salome
Si Salome ( /səˈloʊmiː/; Griyego: Σαλώμη; Hebreo: שלומית, Shlomit, may kaungayan sa שָׁלוֹם: shalom,"kapayapaan";[1], ang anak nina Herodes II at Herodias, apo ni Dakilang Herodes, ay nakilala sa mga salaysay ng Bagong Tipan, kung saan lumitaw siya bilang hindi pinangalang anak ni Herodias, at sa salaysay ni Flavio Josefo, kung saan pinangalanan siyang Salome ang anak ni Herodias. Sa Bagong Tipan, binanggit siya bilang anak ng asawa ni Herodes Antipas sa naunang asawa, na pinilit hingin ang ulo ni Juan Bautista. Sang-ayon kay Josefo, una siyang kinasal sa kanyang tiyuhin na si Herodes Filipo II, pagkatapos mamatay (AD 34), kinasal siya sa kanyang pinsang si Aristobulo ng Calcide, sa gayon, naging reyna ng Calcide at Armenya Minor.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Campbell, Mike. "Meaning, origin and history of the name Salome". Behind the Name (sa wikang Ingles).