Samahang Dante Alighieri

Ang Samahang Dante Alighieri sa Maynila (Italyano: Società Dante Alighieri Comitato di Manila; Ingles: Dante Alighieri Society Manila) ay itinatag sa Maynila noong 2005 na may layuning palaganapin ang mga bagay-bagay na may kaugnay sa Italya sa Pilipinas. Mayroon din itong hangad na magbuo ng mga "tulay" ng pakikipag-ugnayan sa dalawang bansa sa pamamagitan ng mga kaganapang panlipunan, pangkalinangan, at iba pa. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng embahada ng Italya at ng mga iba't ibang sektor sa lipunan ng mga mamamayang Pilipino. Itinatag ang orihinal at pinag-ugatang Samahang Dante Alighieri o Società Dante Alighieri [Italyano] noong Hulyo 1889.

Mga sanggunian

baguhin