Pentateukong Samaritano

(Idinirekta mula sa Samaritanong Pentateuko)

Ang Pentateukong Samaritano, Torang Samaritano o Samaritanong Torah (Hebreo: תורה שומרונית torah shomroniyt) ang bersiyon na Samaritano ng Pentateuch o Torah ng Hudaismo. Ang Pentateuch ang unang limang mga aklat ng Bibliya. Ito ay tradisyonal na isinulat sa alpabetong Samaritano at ginagamit ng mga Samaritano sa kanilang relihiyon. Ito ang bumubuo sa buong kanon na biblikal ng relihiyon ng mga Samaritano na Samaritanismo. Itinatakwil na kanonikal sa Samaritanismo ang ibang mga aklat ng Tanakh na hindi Pentateuch ng Hudaismo. Ang mga pagsasanay pang-relihiyon ng mga Samaritano ay batay sa kanilang bersiyon na Samaritano ng Pentateuch ng Hudaismo. Ito ay iba mula sa mga tekstong Masoretiko o sa Septuagint. Ang mga 6,000 na pagkakaiba ay umiiral sa pagitan ng Samaritanong Pentateuch at Masoretikong Pentateuch. Ito ay kinabibilangan ng mga pagkakaiba sa doktrina gaya ng utos sa Samaritanong Torah na magtayo ng dambana sa Bundok Gerizim. Ang halos 2,000 pagkakaiba ng Samaritanong Pentateuch sa Masoretikong Pentateuch ay umaayon sa Septuagint at ang ilan ay sa Latinong Vulgata. Ang ilang mga manuskrito ng Pentateuch sa Mga skrolyo ng Patay na Dagat ay nagdadala ng uring tekstong "pre-Samaritano". Ayon sa mga skolar, ang Samaritanong Pentateuch ay kumakatawan sa isang autentikong sinaunang tradisyong tekstuwal sa kabila ng pag-iral ng mga walang katulad na anyo na ipinakilala ng mga Samaritano.

Samaritanong Dakilang Saserdote at Lumang Pentateuko, 1905
Samaritan at ang Samaritan Torah

Ang mga Samaritano ay naniniwala na isinulat ng diyos ang kanilang Samaritanong Pentateuch at ibinigay kay Moises ang unang kopya nito kasama ng dalawang mga tableta na naglalaman ng Sampung Utos.[1] Ang mga Samaritano ay naniniwala na ang kanilang mga kopya ay nag-iingat ng tekstong ito na isinulat ng diyos na hindi naliko hanggang sa kasalukuyang panahon. Kanilang tinatawag ang kanilang Samaritanong Pentateuch na קושטה ("Ang Katotohanan").[1] Ang mga Samaritano ay nag-aangkin na sila ay nagmula sa Hilagang Kaharian ng Israel na humiwalay sa Kaharian ng Judah pagkatapos ng kamatayan ni Solomon.[2]

Mga paghahambing sa ibang mga bersiyon

baguhin

Masoretiko

baguhin

Kabilang sa pinaka-mapapansing mga semantikong pagkakaiba ng Samaritanong Pentateuch sa Masoretikong Pentateuch ay nauugnay sa lugar na sambahan ng Samaritano sa Bundok Gerizim. Ang bersiyong Samaritano ng Sampung Utos ay nag-uutos na magtayo ng dambana sa Bundok Gerizim kung saan ang lahat ng mga handog ay ihahandog.[3][4] Ang utos na ito ay wala sa tumutugong teksto ng Masoretiko ng Hudaismo. Gayunpaman, ang Deuteronomy 27:4 sa Masoretiko ay nag-uutos na magtayo ng dambana sa Bundok Ebal na pinalitan sa Bundok Gerizim sa Samaritanong Pentateuch. Ang pagsasama ng Samaritanong Pentateuch ng Gerizim sa Sampung Utos ay nagbibigay diin sa sanksiyon ng diyos na ibinigay sa lugar ng sambahan ng pamayanang Samaritano.[5] Ang pagkakaibang ito ay sinusuportahan ng mga pagbabago sa tenso ng pandiwa sa Samaritanong Pentateuch na nagpapakita na pinili na ng diyos ang lugar na ito. Ang tensong hinaharap na pipiliin ang ginagamit sa Masoretikong Pentateuch. [5]

Kabilang din sa mga anyong iba sa Samaritanong Pentateuch ang pag-aalis ng wikang antromorpiko na naglalarawan sa diyos at nagpakilala ng mga pagitan upang magsagawa ng mga aksiyon na itinuturo ng direkta ng Masoretiko sa diyos. Sa mga instansiyang inilalarawan sa Masoretiko kay Yahweh bilang "tao ng digmaan"(Exodus 15:3), ang Samaritanong Pentateuch ay gumagamit ng "bayani ng digmaan" na pariralang nilapat sa mga nilalang na espiritwal. Sa Numbers 23:4, Ang pagbasang Samaritano na "Natagpuan ng Anghel ng Panginoon si Balaan" ay pumalit sa Masoretiko na "Ang nakatagpo ng Diyos si Balaam". [6] Ang ilang mga pagkakaiba ay nagpapakita ng mga nosyon ng Samaritano ng kagandahang asal gaya ng pagbabago sa Genesis 50:23 ng "sa mga tuhod ni Jose" tungo sa "sa mga araw ni Jose". Natagpuan ng mga skribang Samaritano na nagpakahulugan ditong literal na hindi angkop na ang ina ng mga apo ni Jose ay manganganak sa kanyang mga tuhod. [7] Ang mga natatanging anyo sa Samaritanong Pentateuch ay matatagpuan rin sa ilang mga tekstong pambatas kung saan ang pagsasanay na Samaritano ay iba mula sa inuutos sa loob ng mga tekstong rabbinikal. [5] Sa mga 34 instansiya, ang Samaritanong Pentateuch ay nag-angkat ng mga teksto mula sa parallel o sinoptikong talat sa ibang mga bahagi ng Pentateuch.[5] Ang mga pagpapalawig na ito sa teksto ay nagtatala ng mga usapan at pangyayari na ipinapahiwatig o ipinagpapalagay sa ibang mga bahagi ng salaysay ngunit hindi hayagang itinala sa Masoretikong Pentateuch. [5] Ang Samaritanong Pentateuch sa maraming mga okason ay nagdagdag rin ng mga paksa, mga preoposisyon, mga partikulo, mga apositibo, at mga pag-uulit ng salita at parirala sa loob ng isang talata upang liwanagin ang kahulugan ng teksto.[5]

Septuagint

baguhin

Ang Septuagint (LXX) ay umaayon sa Samaritanong Pentateuch sa tinatayang 1900 ng mga 6,000 pagkakaiba sa Masoretikong Pentateuch.[8]

Latin Vulgate

baguhin

Ang ilang mga talata ng Latin Vulgata ay nagpapakita ng pag-aayon sa Samaritanong Pentateuch laban sa Masoretikong Pentateuch. Halimbawa, sa Genesis 22:2 sa Samaritanong Pentateuch ay nakalagay ang "lupain ng Moreh"(Hebreo: מוראה) samantalang sa Masoretiko ay "lupain ng Moriah" (Hebrew: מריה). Ang "lupain ng Moreh" ay itinuturing na anyong Samaritano dahil ang Moreh ay naglalarawan ng rehiyon sa palibot ng Shechem[9] kung saan ang Bundok Gerizim ay matatagpuan. Ito ay isinalin sa Vulgate bilang in terram visionis ("sa lupain ng pangitan") na nagpapahiwatig na si Jerome ay pamilyar sa pagbasang "Moreh" na isang salitang Hebreo na ang mga katinig ay nagmumungkahi ng "pangitain". [10]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gaster, T.H. "Samaritans," pp. 190–197 in Interpreter's Dictionary of the Bible, Volume 4. George Arthur Buttrick, gen. ed. Nashville: Abingdon, 1962.
  2. Tov 2001, pp. 82-83.
  3. "Overview of the Differences Between the Jewish and Samaritan Versions of the Pentateuch". Web.meson.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-16. Nakuha noong 2011-12-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Soggin, J. Alberto (1989). Introduction to the Old Testament: From Its Origins to the Closing of the Alexandrian Canon. Westminster John Knox Press. p. 26. ISBN 9780664221560.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) "But there is at least one case, Deut.27.4-7, in which the reading 'Gerizim' in the Samaritan Pentateuch, confirmed by Σ and by the Old Latin, seems to be preferable to that of the Massoretic text, which has Ebal, the other mountain standing above Nablus."
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 Purvis, J.D. "Samaritan Pentateuch," pp. 772–775 in Interpreter's Dictionary of the Bible, Supplementary Volume. Keith Crim, gen. ed. Nashville: Abingdon, 1976. ISBN 9780687192694
  6. Thomson 1919, p. 312.
  7. Vanderkam 2002, p. 94.
  8. Hjelm 2000, p. 77.
  9. Barton 1903, p. 31.
  10. Thomson 1919, pp. 312-313.