Kasalan ng magkaparehong kasarian

Kasalan ng mga taong may kaparehas na kasarian o pagkakakilanlang sekswal
(Idinirekta mula sa Same-sex marriage)

Ang kasalan ng magkaparehong kasarian (o homosekswal na kasalan) ay kasalan sa pagitan ng dalawang tao na magkapareho ang kasarian at/o pagkakakilanlang sekswal. Minsang tinatawag na pantay na kasalan ang legal na pagkilala sa homosekswal na kasalan ng mga sumusuporta dito.

   Bukas ang pag-aasawa sa magkaparehong parehas na kasarian (singsing: indibidwal na mga kaso)
   Pambatasang desisyon ng isang domestic na hukuman, hindi pa magkabisa
   Kinilala ang kasal na may ganap na mga karapatan kapag ginaganap sa ibang mga hurisdiksyon
   Mga unyon ng sibil
   Limitadong legal na pagkilala (rehistradong pagsososyo)
   Limitadong pagkilala kapag isinagawa sa ibang mga hurisdiksyon (mga karapatan sa residency)
   Bansa na napapailalim sa isang internasyonal na hukuman upang kilalanin ang pag-aasawa ng parehong kasarian
   Ang mga unyon ng parehong kasarian ay hindi legal na kinikilala

Terminolohiya

baguhin

Unang ipinahintulot sa batas ang homosekswal na kasal sa modernong panahon noong naunang dekada ng ika-21 siglo. Pinapayagan ang mga homosekswal na kasalan sa labing anim na bansa (Argentina, Belgium, Brazil, Canada, Denmark, France, Iceland, Netherlands, New Zealand, Norway, Portugal, Spain, South Africa, Sweden, United Kingdom, Uruguay) at ilang mga pambansang awtoridad (bahagi ng Mexico at US). Sa Enero 2015 naman maipapatupad ang batas ukol sa homosekswal na kasalan sa Luxembourg. Nagpapakita rin na may pagtaas ng suporta para sa legal na pagkilala dito mula sa lahi, edad, relihiyon at estado ng buhay.

Sari-sari ang pagpapakilala sa mga batas ukol sa kasal ng magkaparehong kasarian batay sa hatol, ito ay naipapatupad sa pamamagitan ng lehislatibong pagbago sa batas ng pag-aasawa, sa pasya ng korte batay sa konstitusyonal na akda o sa pamamagitan ng boto ng karamihan. Politikal, pansosyal, panrelihiyon at pangkarapatang suliranin ang homosekswal na kasalan at ito ay isang suliranin sa malaking bahagi ng mundo kung saan patuloy pa rin ang debate kung maari bang ipatupad ang ganitong klase ng kasalan. Ang kasal ng magkaparehong kasarian ay maaring magbigay ng suporta mula sa gobyerno sa mga mag-asawang nagbabayad ng buwis, gaya lang ng karaniwang pag-aasawa. Ito rin ay nagbibigay ng legal na proteksyon kagaya ng pagmamana at pagbisita sa ospital.

Kasaysayan

baguhin

Sinasabi ng mga eksperto na ang pinansiyal, sikolohikal at pisikal na kalagayan ay naitataas ng pag-aasawa at ang mga batang naaalagaan ng mag-asawang pareho ang kasarian ay nakikinabang sa pag-aaruga ng dalawang magulang. Sinasabi rin sa mga dokumentong isinaayos ng mga asosasyong pang-agham sa Amerika na ang pagkawala ng karapatan ng mga bakla na mag-asawa ay nag-aanyaya ng pampublikong diskriminasyon laban sa kanila. Sinasabi naman ng American Anthropological Association na hindi sinusuportahan ng pag-aaral sa lipunan ang pananaw na umaasa ang sibilisasyon o kaayusan sa hindi pagkilala sa homosekswal na kasal.

Maaaring magkaroon ng homosekswal na kasalan sa loob ng seremonyang sibil o sa banal na seremonya. Maraming mga nananampalatayang komunidad sa buong mundo na sumusuporta sa homosekswal na kasalan. Ilan dito ay ang Buddhism sa Australia, ang Church of Sweden, Conservative Judaism, U.S. Episcopalians, Humanistic Judaism, Native American religions , Druidism, Metropolitan Community Church, Quakers, Reconstructionist Judaism, Reform Judaism, Unitarian Universalists, ang United Church of Canada, ang United Church of Christ, at Wiccans, pati na rin ang iilang progresibo at modernong relihiyon gaya ng Kristiyanismo, Muslim, Hindu, Buddhism, at mga grupong Hudyo.

Mga sanggunian

baguhin