Sampinit

nakakaing prutas

Ang sampinit[1][2][3], prambuwesas o raspberi ay isang nakakaing prutas ng maraming mga espesye ng halaman na nasa saring Rubus ng pamilyang rosas, na ang karamihan ay nasa kabahaging sari na Idaeobatus.[4] Ginagamit ding pantawag ang pangalan sa mga halamang ito. Perenyal o pangmatagalan ang mga sampinit at at may mga tangkay na makahoy.[5]

Mga pulang sampinit

886,538 tonelada ang pandaigdigang produksiyon ng mga sampinit noong 2021, na pinangunahan ng Rusya na may 22% ng kabuuan.[6] Itinatanim ang mga sampinit sa hilagang Europa at hilagang Amerika at kinakain sa iba't ibang paraan, bilang buong prutas at sa mga minatamis, keyk, sorbetes, at likor.[7] Saganang mapagkukunan ang mga ito ng bitamina C, mangganiso, at hiblang pandiyeta.

Mga espesye

baguhin
 
Ang bunga ng apat na espesye ng sampinit. Paikot sa kanan mula sa kaliwang itaas: sampinit sa batuhan, Koreanong sampinit, katutubong sampinit ng Australya, at sampinit ng Mawrisyo.

Kabilang sa mga halimbawa ng espesye ng sampinit na nasaRubus na subsaring Idaeobatus ang:

  • Rubus crataegifolius (Koreanong sampinit)
  • Rubus gunnianus (Alpinong sampinit ng Tasmanya)
  • Rubus idaeus (pulang sampinit ng Europa)
  • Rubus leucodermis (Kanluraning sampinit o sampinit na may puting balakbak, bughaw na sampinit, itim na sampinit)
  • Rubus occidentalis (itim na sampinit)
  • Rubus parvifolius (katutubong sampinit ng Australya)
  • Rubus phoenicolasius (sampinit na pang-alak)
  • Rubus rosifolius (sampinit ng Mawrisyo)
  • Rubus strigosus (pulang sampinit ng Amerika) (singkahulugan: R. idaeus bar. strigosus)
  • Rubus ellipticus (dilaw na sampinit ng Himalaya)

Ilan sa mga espesye ng Rubus na tinatawag ding sampinit na nakauri sa ibang mga kabahaging sari ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Rubus deliciosus (sampinit sa batuhan, subsaring Anoplobatus)
  • Rubus odoratus (namumulaklak na sampinit, subsaring Anoplobatus)
  • Rubus nivalis (pangniyebeng sampinit, subsaring Chamaebatus)
  • Rubus arcticus (sampinit ng Artiko, subsaring Cyclactis)
  • Rubus sieboldii (sampinit ng Molukas, subsaring Malachobatus)

Mga sanggunian

baguhin
  1. Javelosa, Jeannie (3 Hunyo 2018). "Slow food, a discovery of the rare | Philstar.com" [Pagkaing pambagalan, pagtutuklas ng bihira | Philstar.com]. www.philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Mayo 2024. At naroon ang sampinit, isang lokal na prambuwesas — muli, isang prutas na palagi kong nauugnay sa mga biyahe sa ibang bansa. Ngunit naroon sila sa harap ko. (Isinalin mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Arnaldo, Steph (26 Marso 2022). "Local sampinit berries star in Sebastian's new ice cream line" [Lokal na sampinit, bida sa bagong linya ng sorbetes ng Sebastian's]. www.rappler.com. Nakuha noong 28 Mayo 2024. Itong katutubong beri na maasim, ang lokal na bersyon ng prambuwesas, ay manu-manong namimitas mula sa mga bundok ng Laguna at Quezon! (Isinalin mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "LIST: 9 Philippine Fruits With Disease-Fighting Antioxidants Tested by UP" [TALAAN: 9 na Pilipinong Prutas na May Antioxidant na Panlaban sa Sikat, Tinesting ng UP]. www.rappler.com. 5 Nobyembre 2020. Nakuha noong 28 Mayo 2024. Itinuturing ang sampinit bilang lokal at ligaw na prambuwesas na tumutubo higit sa lahat sa Quezon at Laguna. (Isinalin mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Jules Janick (2011). Plant Breeding Reviews, Volume 32: Raspberry Breeding and Genetics [Mga Pagsusuri sa Pagpapalahi ng Halaman, Bolyum 32: Pagpapalahi at Henetiko ng Sampinit] (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. p. 51. ISBN 9780470593813.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. George Bentham (1858). Handbook of the British Flora: A Description of Flowering Plants and Ferns Indigenous To, Or Naturalized In, the British Isles [Hanbuk ng Plorang Briton: Isang Paglalarawan ng Mga Halamang Namumulaklak at Pako na Katutubo Sa, O Naturalisado Sa, Kapuluang Britaniko] (sa wikang Ingles). Lovell Reeve. p. 189.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Production of raspberries in 2021; Pick list by Crops/Regions/Production Quantity" [Produksiyon ng sampinit noong 2021; Listahan ayon sa Pananim/Rehiyon/Dami ng Produksiyon] (sa wikang Ingles). United Nations, Food and Agriculture Organization Corporate Statistical Database (FAOSTAT). 2023. Nakuha noong 2 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Raspberry | Description, Fruit, Cultivation, Types, & Facts" [Sampinit | Paglalarawan, Prutas, Paglilinang, Mga Uri, & Katotohanan]. Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 2023. Nakuha noong 6 Disyembre 2023.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)