San Cosimato
Ang simbahan ng San Cosimato ay isang simbahang matatagpuan sa lungsod ng Roma, Italya. Orihinal na itinayo ito noong ika-10 siglo sa Trastevere rione at kasama na ngayon ang ospital na kilala bilang "Nuovo Regina Margherita." Sa una, ito ay itinayo bilang isang monasteryong Benedictino na alay kanila San Cosme at Damian, kung kanino kinuha ang pangalan pala rito, at dala nito ang dagdag na tawag in mica aurea ("sa gintong buhangin") dahil sa pagkakaroon ng buhangin mula sa ilog na manilaw-nilaw.