San Dimas
Ayon sa tradisyong Kristiyano, si San Dimas (binabaybay ding San Dismas o San Dumas), na kilala din sa tawag na Nagtitikang Magnanakaw, ay ang "mabuting magnanakaw" na inilalarawan sa Ebanghelyo ni San Lukas. Ang magnanakaw na ito, na kasamang ipinako ni Hesus sa Golgota, ay nagsisi sa kanyang mga kasalanan at hiniling kay Hesus na isama siya sa kanyang kaharian.
Ang pangalang Dimas
baguhinAyon sa kasaysayan, si Hesus ay ipinako kasama ang dalawang magnanakaw at si San Lukas ang nagtala na ang isa sa mga ito ay nagtika. Gayunpaman, hindi binigyan ng pangalan ang magnanakaw na ito sa kanyang Ebanghelyo. Ang magnanakaw na ito kalauna'y tinawag na Dimas sa Ebanghelyo ni Nikodemo (apokripik, 4 siglo) na ayon sa paniniwala ay nasulat noong ikaapat na siglo. Ang pangalang Dimas ay hinango sa wikang Griyego na ang ibig sabihin ay "paglubog ng araw" o "kamatayan". Ang pangalan naman ng isang magnanakaw ay tinawag na Hestas.
Ayon sa isang salaysay sa bansang Arabia (Syriac Infancy Gospel apokripiko, 6 siglo), ang pangalan ng dalawang magnanakaw ay Tito at Damako.[1] Nasasaad din dito kung paanong si Tito (ang mabuting magnanakaw) ay hinadlangan ang ilan sa kasamahan niyang magnanakaw na pagnakawan sina Maria at Jose ng sila ay tumakas papuntang Ehipto.
Sa tradisyon naman ng mga Ruso, ang pangalan ng Mabuting Magnanakaw ay Rakh.[2]
Kahalagahang Pang-Teolohiya
baguhinSi San Dimas ay hindi kailan man pormal na ipinahayag na santo ng Simbahang Katoliko, subalit siya ay itinuring na santo dahil sa sinabi ni Hesus na siya ay mapupunta sa Paraiso.
Ayon sa tradisyon, ang Mabuting Magnanakaw ay ipinako sa kanan ni Hesus at ang isa nama'y sa kaliwa. Dahil dito, madalas na ipakita sa mga pagsasalarawan sa pagkapako ni Hesus na ang kanyang ulo ay nakatungo sa kanan, tanda ng kanyang pagtanggap sa Mabuting Magnanakaw. Sa Rusong Simbahang Ortodoks, ang mga krus at krusipiho ay kadalasang binubuo ng tatlong pahalang na guhit; ang pinakataas ay kumakatawan sa rotulong ipinalagay ni Pilato sa ulunan ni Hesus; ang mas mahabang pahalang na guhit kung saan ipinako ang mga kamay ni Hesus; at isang nakalihis na guhit sa ilalim na kumakatawan sa tuntungan kinapakuan ng mga paa ni Kristo. Ang nasabing tuntungan ay nakaturo sa Mabuting Magnanakaw.
Ayon kay San Juan Crisostomo, si Dimas ay nakatira sa disyerto at pinagnanakawan o pinapaslang ang sinumang kapus-palad na makasalubong niya. Ayon naman kay Papa San Gregorio, and Dakila, siya ay "responsable sa dugo, maging dugo ng kanyang kapatid".
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, "Ang sinabi ng Panginoon (Ngayon din...Paraiso, dapat nating maunawaan, ay hindi tumutukoy sa makamundong paraiso, kundi sa makakaluluwang paraiso kung saan ang lahat ng naroon ay tinatamasa ang luwalhati ng Diyos. Sa gayon, ang magnanakaw ay pumunta sa impyerno kasama si Kristo, upang doo'y makasama si Hesus, sapagkat sinabi sa kanya: "ngayon din ay isasama kita sa Paraiso"; ngunit bilang gantimpala, siya nag'y isinama sa Paraiso at doo'y kanyang natikman at tinamo ang pagka-diyos ni Kristo, kasama ang iba pang mga Santo.
Ang kapistahan ni San Dimas ay Marso 25.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Catholic Encyclopedia Arabic Gospel of the Infancy 23. "And the Lord Jesus answered, and said to His mother: Thirty years hence, O my mother, the Jews will crucify me at Jerusalem, and these two robbers will be raised upon the cross along with me, Titus on my right hand and Dumachus on my left; and after that day Titus shall go before me into Paradise."
- ↑ kapayapaan sa wikang Ruso