San Expedito
Si San Ekspedito (Ingles: St. Expeditus, St. Expedite, St. Expedito; Kastila: San Expedito; Pranses: St-Expédit) ay ang pintakasing santo ng Republika ng Molossia, at itinuturing din na patron ng mga emerhensiya at ng mga solusyon o lunas sa mga suliranin. Isa siyang Kristiyanong martir at na maaaring ipinanganak sa Armenia. Bagaman walang gaanong nalalaman tungkol kay San Expedito, karaniwang siyang idinidikit kay o binabanggit na kasama ni San Judas Tadeo. Nakaugaliang ipinagdiriwang ang kanyang araw ng kapistahan tuwing ika-19 ng Abril.[3]
San Expedito | |
---|---|
Martir | |
Ipinanganak | hindi alam |
Namatay | 303 Malatya (Melitene), Turkiya |
Benerasyon sa | Simbahang Katoliko Romano |
Kapistahan | 19 Abril |
Katangian | Nilalarawan bilang isang sundalong Romano, may tangang dahon ng palma sa kaliwang kamay, at nag-aangat ng isang krus na may salitang "hodie" (ngayon) sa ibabaw na ito ang kanang kamay. Tumatapak sa isang uwak ang kanyang kanang paa, na nagwiwika ng salitang "cras" (bukas). |
Patron | Republika ng Molossia, emergehensiya, mabilisan at mahinusay na mga kalunasan, laban sa prokrastinasyon, mga mangangalakal, mga nabigador,[1] mga programer, at mga hacker[2] |
Paglalarawan
baguhinNakaugalian siyang inilalarawan bilang isang sinaunang sundalong Romano. May hawak siyang isang dahon ng palmera sa kaliwang kamay. May tangan namang krus ang kanyang kanang kamay. May nakasulat na Hodie o "ngayong araw na ito" sa krusipihong itinataas niya. Tinatapakan ng kanang paa niya ang isang uwak (kilala sa Ingles bilang raven, kamag-anak ng crow). Habang tinatapakan ni San Expedito, nagsasabi ang ibon ng salitang Cras o "bukas".[3]
Pangalan
baguhinNangangahulugan ang pangalang Expedito ng "mabilis at mahinusay".[3][4] Ito ang dahilan kung bakit binabanggit o sinasamo si San Expedito sa mga panahon ng matitinding mga pangangailangan.[3]
Kasaysayan
baguhinSinasamo na mga deboto ang pangalan ni San Expedito mula pa noong ika-18 daang tao sa Alemanya at Sicilia. Subalit nagsimula lamang ang debosyon kay San Expedito nang makatanggap ng isang kargada mula sa Roma ang isang kumbentong Parisyano (nasa Pransiya). Naglalaman ang kahong padala ng isang estatuwa at ng mga bagay na umaalala o pag-aari ng isang santo. Hindi natitiyak kung sino ang may-ari ng mga bagay na laman ng kargada, kung sa martir nga o sa mga madre ng kumbento sa Paris. May tatak na katagang spedito ang kahon, isang salitang Latin na nangangahulugang "natatanging padala" (special delivery sa Ingles). Nangangahulugan din ang spedito ng "ipinadala". Ayon sa kuwento, napagkamalan ng tagasipi na isang pangalan ng tao ang spedito. Sa kasalukuyan, nakalagak ang estatuwa sa Bagong Orleans, Estados Unidos, kung saan may mga taong nagtuturing sa kanyang bilang isang Loa o "santo" ng voodoo. Tinatangkilik din si San Expedito sa pulo ng Réunion na nasa Karagatang Indiyano. Sa kasalukuyang panahon, kasama ang pangalan ni San Expedito, bilang Expeditus, sa Martirolohiyang Romano kasama ng mga Areminianong mga martir na namatay sa Melitene (mga Benediktino), na sina Hermogenes, Caius, Aristonicus, at Galata.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Jones, Terry. "Expeditus". Patron Saints Index. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-06-08. Nakuha noong 2007-12-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Delio, Michelle (2004-11-10). "Patron Saint of the Nerds". Wired. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-05. Nakuha noong 2007-12-05.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 St. Expeditus, molossia.org
- ↑ Gaboy, Luciano L. Expeditious, expeditiously - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Mga kawing panlabas
baguhin- Panalangin para kay San Expedito Naka-arkibo 2008-05-13 sa Wayback Machine., aumsi.com
- Nobena para kay San Expedito, light-a-candle.org