San Fermín de los Navarros
Ang Simbahan ng San Fermín de los Navarros (Espanyol: Iglesia de San Fermín de los Navarros) ay isang simbahan na matatagpuan sa Madrid, Espanya. Ito ay alay kay San Fermin (na nauugnay kay Navarre), at pinalitan ang isang naunang simbahan na alay sa parehong santo. Ang nasabing simbahan ay giniba upang gawing daan ang Bangko ng Espanya.
Simbahan ng San Fermín de los Navarros | |
---|---|
Iglesia de San Fermín de los Navarros | |
Pangkalahatang impormasyon | |
Uri | Simbahang gusali |
Estilong arkitektural | Neo-Mudéjar, Gothic Revival |
Kinaroroonan | Almagro, Madrid, Espanya |
Pahatiran | Paseo de Eduardo Dato, 10 |
Mga koordinado | 40°25′58″N 3°41′33″W / 40.432725°N 3.692592°W |
Sinimulan | 1886 |
Natapos | 1890 |
Pagpapasinaya | 6 Hulyo 1890 |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | Eugenio Jiménez Corera, Carlos Velasco Peinado |
Uri | Non-movable |
Pamantayan | Monument |
Itinutukoy | 20 April 1995 |
Takdang bilang | RI-51-0009079 |
Pinag-isipan nina Eugenio Jiménez Corera at Carlos Velasco Peinado, ang gusali ay itinayo mula sa ladrilyo. Pinagsasama nito ang mga elemento ng Neo-Mudéjar at Gothic Revival.[1] Ang estilo ng Gothic ay makikita sa loob, habang ang mga elemento ng Mudejar ay mas tipikal ng panlabas. Ito ay dinisenyo noong 1886 at natapos noong 1890. Ito ay pinasinayaan noong 6 Hulyo 1890.[2]
Konserbasyon
baguhinAng ilan sa mga nilalaman ng simbahan ay nawala noong Digmaang Sibil ng Espanya.
Ang gusali ay idineklarang Bien de Interés Cultural (pag-aari ng mga kinawiwilihang kultural) noong 20 Abril 1995.