Si San Swithun o San Swithin (namatay noong 862) ay isang Britanikong tao ng simbahan at mongheng ipinanganak malapit sa Winchester ng Hampshire, Inglatera. Naging obispo siya ng Winchester mula 852(?) hanggang 862. Hiniling niyang ilibing siya sa labas ng Katedral ng Winchester. Noong Hulyo 15, 971, umulan ng 40 mga araw nang inibig siyang parangalan ng isang obispo at mga monghe sa pamamagitan ng muling paglilibing sa kanya sa loob ng simbahan. Hinihinalang isang pagpoprotesta o pagtanggi at pagkagalit ni San Swithun sa paglilipat ng kanyang bangkay ang pag-ulang naganap. Hindi itinuloy ang balak na paglilipat ng mga labi ni San Swithun. Dito nagmula ang alamat hinggil sa kapag umulan sa araw ng Hulyo 15  – ang Araw ng Kapistahan ni San Swithun  – ay nangangahulugang masusundan ito ng pag-ulan ng 40 mga araw. Kung wala namang pag-ulan at maganda ang panahon sa araw na iyon, wala ring mangyayaring pag-ulan sa loob ng 40 mga araw.[1]

Sanggunian

baguhin
  1. "Saint Swithun, Saint Swithin, Feast of Saint Swithin, July 15". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 159 [titik H] at 569 [titik S].

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.