Si Sandra Ruth Lipsitz Bem (ipinanganak 22 Hunyo 1944 Pittsburgh, Pennsylvania) ay ang panganay na anak nina Peter at Lillian Lipsitz. Siya ay lumaki sa isang pamilya ng manggagawa at may isang nakababatang kapatid na babae, si Beverly. Siya ay kasal kay Daryl Bem, isa ring propesor ng sikolohiya.[1]

Si Bem ay nag-aral sa Carnegie-Mellon University (1961-1695) at nagtapos sa kursong sikolohiya. Noong 1965, pumasok siya sa University of Michigan at sa taong 1962 ay nakamit niya ang kanyang Ph.D. in developmental psychology[2]. Pinagtuunan niya ng pansin ang pag-uugali ng mga bata, ang kanilang abilidad sa paglutas ng mga problema, at kung paano nila gugulin ang mga tagubilin at pagtitimpi. Matapos makuha ng kanyang Ph.D., siya ay nagtrabaho bilang isang propesor sa Carnegie-Mellon nang tatlong taon at lumipat sa Stanford University hanggang 1978. Siya ay naging associate professor sa Cornell University [3][4] at sa kasalukuyan ay professor emeritus doon.[5]

Si Bem ay isang Amerikanong sikologo na kilala para sa kanyang mga gawa ukol sa ''androgyny'' at pag-aaral sa kasarian [6]. Siya ang luminang ng ''gender schema theory'' upang ipaliwanag kung paano naging basehan at kategorya ng mga indibidwal ang kasarian sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay. Ito ay base sa kumbinasyon ng mga aspeto ng social learning theory at cognitive-development theory of sex role acquisition. Noong 1971, nilikha niya ang Bem Sex Role Inventory upang masukat kung gaano nababagay ang isang tao sa tradisyonal na papel ng kasarian sa pamamagitan ng pagkilala sa sariling pagkatao bilang panlalaki, pambabae, androgynous, o undifferentiated. Siya ay naniniwala na sa pamamagitan ng kasarian-eskematikong paraan, ang tao ay patuloy na pinagbubukud-bukod ang mga katangian at pag-uugali sa kategoryang panlalaki at pambabae. Samakatuwid, inaayon ng isang indibidwal ang kanyang kilos at asal sa kung anuman ang ibigay na kahulugan ng kanilang kultura sa mga salitang pagkababae at pagkalalaki.

Siya ay nasangkot sa kilusang nagpapalaya ng kababaihan, at nagtrabaho sa sex-biased job advertising. Ito ay humantong sa pagiging kontribyutor niya sa mga landmark case na may kinalaman sa pangangalap ng mga babaeng manggagawa laban sa mga kompanya tulad ng AT & T at Pittsburgh Press [2]

Sa kanyang Bem Sex Role Inventory, inihayag niya na ang dimensiyong panlalaki at pambabae ay maaaring mahati sa dalawa, imbes na isa lang. Ito ay batay sa isang high-low continuum, ie, ang isang taong may mataas na panlalaki at mababang pambabaeng pagkakakilanlan ay ikinategorya bilang "panlalaki." Ang isang taong may mataas na pambabae at mababang panlalaking pagkakakilanlan ay ikinategorya bilang "pambabae." Ang isang taong parehong mataas sa dalawang dimensiyon ay ikinategorya bilang "androgynous." Ang tao namang may mababang pagkilala sa mga dimensiyong ito ay itinuturing na "undifferentiated." [7][8]

Isa sa kanyang mga pangunahing punto ay ang pagiging limitado ng tradisyonal na papel ng kasarian para sa mga lalaki at babae, at ang maaaring negatibong dulot nito sa bawat tao pati na rin sa buong lipunan[2]. Si Bem din ay katulong sa pagbuo ng gender schema theory na nagpapalagay na sa ilang indibidwal kung saan ang kasarian o sex ay isang namumukod na katangian, maaari itong maging isang kategorya kung saan isinasaayos ng mga indibidwal ang mga bagay at aksiyon, at pananaw sa mundo[2]. Iminumungkahi rin ng teoryang ito na ang kasarian ay maaaring isang produkto ng kultura. Ang mga kritiko sa kanyang gawa ay pangkalahatang nagtatalo sa pampolitikang likas na katangian ng kanyang mga teorya at sa kanyang pagwalang kiling sa kanyang mga paksa.

Mga Akda

baguhin
  • Bem, Sandra L. (1974). "The measurement of psychological androgyny". Journal of Consulting and Clinical Psychology. 42, 155-62.
  • Bem, Sandra L. and C. Watson. (1976). "Scoring packet: Bem Sex Role Inventory". Unpublished Manuscript
  • Bem, S. L. (1976). "Sex typing and androgyny: Further explorations of the expressive domain". Journal of Personality and Social Psychology, 34, 1016.
  • Bem, S. L. (1976). "Sex typing and the avoidance of cross-sex behavior". Journal of Personality and Social Psychology, 33, 48.
  • Bem, S. L. (1977). "On the utility of alternative procedures for assessing psychological androgyny". Journal of Consulting and Clinical Psychology, 54, 196-205
  • Bem, S. L. (1977). The 1977 annual handbook for group facilitators.
  • Bem, S. L. (1979). "Theory and measurement of androgyny: A Reply to the Pedhazur- Tetenbaum and Locksley- Colten Critiques." Journal of Personality and Social Psychology, 37, 1047.
  • Bem, S. L., & Andersen, S. M. (1981). "Sex typing and androgyny in dyadic interaction: Individual differences in responsiveness to physical attractiveness." Journal of Personality and Social Psychology, 41, 74.
  • Bem, S. L. (1981). "Gender schema theory: A cognitive account of sex typing source". Psychological Review, 88, 354.
  • Bem, S. L. (1981). "The BSRI and gender schema theory: A reply to Spence and Helmreich". Psychological Review, 88, 369-71.
  • Bem, S. L. (1982). "Gender schema theory and self-schema theory compared: A comment on Markus, Crane, Bernstein, and Siladi's "Self-schemas and gender"". Journal of Personality and Social Psychology, 43,1192
  • Bem, S. L. (1989). "Genital knowledge and gender constancy in preschool children". Child Development, 60, 3.
  • Bem, S. L. (1993). The lenses of gender: Transforming the debate on sexual inequality. New Haven, CT: Yale University Press.
  • Bem, S. L. (1995). "Dismantling gender polarization and compulsory heterosexuality: Should we turn the volume down or up?" Journal of Sex Research, 32, 329-334.
  • Bem, S. L., Schellenberg, E. G., & Keil, J. M. (1995). ""Innocent victims" of AIDS: Identifying the subtext". Journal of Applied Social Psychology, 25, 1790-1800.
  • Chesler, P., Rothblum, E. D., & Cole, E. ( 1995). Feminist foremothers in women's studies, psychology, and mental health. New York: Haworth Press.
  • Frable, D. E. S. and Bem, S. L. (1985). "If you are gender schematic, all members of the opposite sex look alike". Journal of Personality and Social Psychology, 49, 459.

References

baguhin
  1. Nussbaum, Emily (May/Hunyo 1998). "Does the exotic become erotic?". Lingua Franca. Retrieved 8 Enero 2011.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Parker Makosky, V.,(1990). In, A. O'Connell & W. Felipe Russo (Eds.), Women in psychology: A bio-bibliographic sourcebook,(pp. 30-39). Westport, CT: Greenwood Press Inc.
  3. http://www.psych.cornell.edu/people/Faculty/slb6.html
  4. http://sandra.bem.socialpsychology.org/
  5. http://thenewagenda.net/2010/03/17/dr-sandra-bem-an-inspiration/
  6. http://www.webster.edu/~woolflm/sandrabem.html
  7. http://www.be-me.org/learningpackages/package2/2.asp .
  8. http://www.tsroadmap.com/mental/bem-sex-role.html