Sanitasyon
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Hunyo 2017) |
Ang "sanitation" o sanitasyon ay isang pangkalinisang gawain o pamamaraan na ang layunin ay iwasang magkaroon ng kontak ang mga tao at ang mga sanhi ng sakit mula sa kapaligiran upang mapanatili ang kalusugan. Ang sanhi ng mga sakit ay maaaring pisikal, kemikal, mga mikrobyo, at iba pa na maaaring makuha sa mga basura, maduming tubig at hangin, at mga ingay. Ang mga pamamaraan upang mapanatili ang hindi pagkakaroon ng kontak ng mga tao at ng mga sanhi ng sakit ay ang mag sumusunod: paggamit ng mga inhenyerong solusyon tulad ng paglalagay ng maayos na imburnal; simpleng teknolohiya sa pamamagitan ng pagtatayo ng palikuran na may poso negro; o kaya'y sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay na may gamit na sabon.
Ang "sanitasyon" ay maaari ding gamitin sa isang konsepto, lugar, stratehiya, programa o anumang aspeto.
Basic sanitation - pangunahing sanitasyon; tumutukoy sa paglalagay ng palikuran sa isang tahanan.
On-site sanitation - isang klase ng sanitasyon na kung saan ang mga dumi ay hinahayaang makontrol sa lugar na pinagdeposituhan. Halimbawa ay palikuran na may poso negro.
Environmental sanitation - tumutukoy sa pamamaraan ng pagkokontrol sa lahat ng mga kadahilanan ng sakit sanhi ng pisikal na kapaligiran.
Ecological sanitation - isang uri ng konsepto o pamamaraan ng pagbabalik sa kalikasan ng mga nutrients na galing sa dumi (tae at ihi) ng tao o mga hayop.
Ang Global Handwashing Day (websayt Naka-arkibo 2012-12-02 sa Wayback Machine.) ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Oktubre 15 sa maraming bansa.
Ang World Toilet Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Nobyembre 19 sa maraming bansa.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.