Sant'Andrea delle Fratte
Ang Sant'Andrea delle Fratte ay isang ika-17 na siglo na basilikang simbahan sa Roma, Italya, na alay kay San Andres. Ang Kardinal Pari ng Titulus S. Andreae Apostoli de Hortis ay si Ennio Antonelli.
Sant'Andrea delle Fratte | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Pamumuno | Ennio Antonelli |
Lokasyon | |
Lokasyon | Roma, Italya |
Mga koordinadong heograpikal | 41°54′13″N 12°29′01″E / 41.903629°N 12.483552°E |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Francesco Borromini at Mattia de Rossi |
Uri | Simbahan |
Istilo | Baroque |
Groundbreaking | 1604 |
Nakumpleto | 1826 |
Websayt | |
santandreadellefratte.it |
Kasaysayan
baguhinAng kasalukuyang simbahan ay itinayo sa isang nauna nang naitayo, nong 1192, na tinawag na infra hortes ("sa gitna ng mga halamanan", kung saan nagmula ang pangalan na fratte, "kakahuyan") sapagkat ito ay matatagpuan sa isang kanayunang lugar sa hilagang sulok ng tinitirhang lugar ng medyebal na Roma. Ang simbahan ay orihinal na pinagmamay-arian sa mga madreng Agustino.[1] Ito ay naging pambansang simbahan ng mga Eskosesa sa Roma, hanggang sa naging Protestante ang Eskosya, nang noong 1585 ay itinalaga ito ni Papa Sixto V sa mga pralyeng Minim si San Francisco ng Paola. Ang Scots College, ang seminaryo para sa kabataang lalaki na nag-aaral para sa pagkasaserdote, ay matatagpuan sa malapit, sa Via del Tritone, hanggang 1604, nang lumipat ito sa Via del Quattro Fontane.
Noong 1942 iniangat ni Papa Pio XII ang simbahan sa ranggo bilang isang basilika menor.[2]
Mga Kardinal Protektor
baguhinAng Basilica na ito ang luklukan ng titulong kardinalatial ng Sancti Andreæ Apostoli de Hortis .
- Paolo Marella, (31 Marso 1960-15 Marso 1972)
- Joseph Cordeiro, (5 Marso 1973-11 Pebrero 1994)
- Thomas Joseph Winning, (26 Nobyembre 1994-17 Hunyo 2001)
- Ennio Antonelli, (21 Oktubre 2003 - kasalukuyan)
Galeriya
baguhin-
Anghel kasama ang Koronang Tinik ni Bernini
-
Anghel kasama ang Sobrescrito ni Bernini
Mga sanggunian
baguhinMga libro
baguhin- Forcella, Vincenzo (1876). Iscrizioni delle chiese e d'altri edificii di Roma dal secolo XI fino ai giorni nostri. Volume VIII. Roma: Tip. delle scienze matematiche e fisiche. pp. 213–254.
- Nibby, Antonio (1839). Roma nell'anno MDCCCXXXVIII: pte. I-II. Antica. Roma: Tipografia delle belle arti. pp. 77–80.
- Salvagnini, Francesco Alberto (1967). La Basilica di S. Andrea delle Fratte: santuario della Madonna del Miracolo. Roma: Basilica S. Andrea delle Fratte.