Santísimo Cristo de La Laguna
Ang Santísimo Cristo de La Laguna ang isang imahe ng ipinako sa krus na si Hesus sa Real Santuario del Santísimo Cristo de La Laguna, sa lungsod ng San Cristóbal de La Laguna (Tenerife, Kapuluang Canarias, Espanya).[1]
Ito ay isang iskultura noong ikalabing-anim na siglo at ang pinaka-pipitaganang larawan ni Hesus sa Kapuluang Canarias.[1] Ito ay isang imahe na dumating sa Tenerife noong 1520 mula sa Flanders, ngunit bago dumating sa Tenerife ay napunta sa iba't-ibang mga lungsod na Europeo: mula sa Venice ay dinala sa Barcelona at mula sa Barcelona ay dinala Sanlúcar de Barrameda sa Cádiz.[1]
Ang pagpuprusisyon nito ay dalawang beses sa isang taon, sa Mahal na Araw sa Mabuting Biyernes at sa kanilang mga pangunahing pista na ginaganap tuwing Setyembre at lalo na sa Setyembre 14 na kanilang pangunahing araw.[1]