Santa Croce in Gerusalemme

Ang Basilika ng Santa Cruz (Banal na Krus) sa Herusalem o Basilica di Santa Croce in Gerusalemme, (Latin: Basilica Sanctae Crucis in Hierusalem) ay isang Katoliko Romanong basilika menor at simbahang titulo sa rione Esquilino, Roma, Italya. Ito ay isa sa Pitong Peregrinong simbahan ng Roma.

Basilika ng Santa Cruz (Banal na Krus) sa Herusalem
Basilica di Santa Croce in Gerusalemme
Basilica Sanctae Crucis in Hierusalem
41°53′16″N 12°30′59″E / 41.88778°N 12.51639°E / 41.88778; 12.51639
LokasyonRome, Italy
DenominasyonSimbahang Katoliko
TradisyonRitong Latin
Websaytsantacroceroma.it
Kasaysayan
Consecratedca. 325
Arkitektura
EstadoBasilika menor
Uri ng arkitekturaSimbahan
IstiloBaroque
Detalye
Haba70 metro (230 tal)
Lapad37 metro (121 tal)
Pamamahala
DiyosesisDiyosesis ng Roma

Ayon sa tradisyon, ang basilika ay inalay circa 325 upang mapangalagaan ang mga relikiya ng Pasyon ni Hesukristo na dinala sa Roma mula sa Holy Land ni Emperatris Santa Elena, ina ng Romanong Emperador Constantino I. Sa panahong iyon, ang sahig ng Basilica ay natakpan ng lupa mula sa Herusalem, kaya nakuha ang titulong in Hierusalem; hindi ito alay sa Santa Cruz na nasa Herusalem, ngunit ang Basilica mismo ay "nasa Herusalem" sa kahulugan na ang isang "piraso" ng Herusalem ay inilipat sa Roma para sa pundasyon nito. Ang kasalukuyang Kardinal Pari ng Titulus S. Crucis sa Hierusalem ay si Juan José Omella, mula noong 28 Hunyo 2017.

Mga sanggunian

baguhin