Santa Maria del Popolo

Ang Basilika Parokya ng Santa Maria del Popolo (Italyano: Basilica Parrocchiale Santa Maria del Popolo) ay isang simbahang titulo at isang basilika menor sa Roma na pinamamahalaan ng Order ni San Agustin. Nakatayo ito sa hilagang bahagi ng Piazza del Popolo, isa sa pinakasikat na mga liwasan sa lungsod. Ang simbahan ay nakahanay sa pagitan ng Burol Pinciano at Porta del Popolo, isa sa mga tarangkahan ng mga Pader Aureliano pati na rin ang panimulang punto ng Via Flaminia, ang pinakamahalagang ruta mula sa hilaga. Dahil sa lokasyon nito, ang basilika ay ang unang simbahan para sa mayorya ng mga manlalakbay na pumapasok sa lungsod. Ang simbahan ay naglalaman ng mga obra ng maraming sikat na artista, tulad nina Raphael, Gian Lorenzo Bernini, Caravaggio, Alessandro Algardi, Pinturicchio, Andrea Bregno, Guillaume de Marcillat, at Donato Bramante .

Basilika ng Santa Maria del Popolo
Basilika Parokya ng Santa Maria del Popolo
Latin: Basilica Sancta Mariæ de Populo
Italyano: Basilica Parrocchiale Santa Maria del Popolo
Simbahan mula sa Piazza del Popolo
41°54′41″N 12°28′35″E / 41.911389°N 12.476389°E / 41.911389; 12.476389
LokasyonRoma
BansaItalya
DenominasyonKatoliko
TradisyonSimbahang Latin
Websaytsmariadelpopolo.com
Kasaysayan
Itinatag1099
NagtatagPapa Pascual II
DedikasyonBirheng Maria
Consecrated1477
Arkitektura
EstadoBasilika menor, simbahang parokya (1561), simbahang titulo (1587)
Katayuang gumaganaAktibo
ArkitektoAndrea Bregno, Donato Bramante, Gian Lorenzo Bernini
Uri ng arkitekturaBasilika
IstiloRenasimiyento at Baroque
Pasinaya sa pagpapatayo1472
Natapos1477
Detalye
Number of domes3
Number of spires1
Pamamahala
DiyosesisDiyosesis ng Roma
Klero
(Mga) PariIvan Caputo

Mga sanggunian

baguhin

Mga libro

baguhin
  • Raffaele Colantuoni, La chiesa di S. Maria del Popolo negli otto secoli dalla prima sua fondazione, 1099-1899: storia e arte (Roma: Desclée, Lefebvre, 1899).
  • John KG Shearman, The Chigi Chapel sa S. Maria Del Popolo (London: Warburg Institute, 1961).
baguhin