Santa Maria della Pietà in Camposanto dei Teutonici
Ang Simbahan ng Mahal na Ina ng Awa sa Teutonicong Sementeryo (Italyano: Santa Maria della Pietà in Camposanto dei Teutonici) ay isang Simbahang Katoliko Romano sa rione Borgo ng Roma, Italya. Ang gusali ay nakatayo malapit sa Lungsod ng Vaticano, kadikit at katabi ng Collegio Teutonico, at ng Alemang Sementeryong Teutonico sa Lungsod ng Vaticano. Ang pook ay nabibilang sa Schola Francorum, isang ospisyo para sa mga Alemang peregrino na siyang pinakalumang institusyong Aleman sa Roma.[2] Ang simbahan, na nakatayo sa piazza Protomartiri Romani, ay nasa lugar ng Palazzo del Sant'Uffizo, na kabilang sa Italya ngunit ayon sa Kasunduang Laterano ay may may kalagayang ekstrateritoryal para sa Banal na Luklukan.
Simbahan ng Mahal na Ina ng Awa sa Teutonicong Sementeryo Santa Maria della Pietà in Camposanto dei Teutonici (sa Italyano) | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyon | Pambansang Simbahan sa Roma ng Austria, Alemanya, at ng Olanda |
Taong pinabanal | 1500[1] |
Lokasyon | |
Lokasyon | Roma, Itala |
Mga koordinadong heograpikal | 41°54′05″N 12°27′17″E / 41.901255°N 12.454861°E |
Arkitektura | |
Uri | Simbahan |
Istilo | Baroque |
Groundbreaking | 1450 |
Nakumpleto | Ika-15 siglo |
Mga detalye | |
Haba | 30 metro (98 tal) |
Lapad | 18 metro (59 tal) |
Websayt | |
Official website |
Ang salitang "Teutonico" ay isang sanggunian sa mga mamamayang Aleman. Ang simbahan ay ang Pambansang Simbahan sa Roma ng Austria, Alemanya, at Olanda .
Mga sanggunian
baguhin- Grundmann, Stefan; Fürst, Ulrich (1998). The Architecture of Rome. Stuttgart: Ed. Axel Menges. pp. 107–108. ISBN 3-930698-60-9.
- ↑ Grundmann, Stefan; Fürst, Ulrich (1998). The Architecture of Rome. Stuttgart: Ed. Axel Menges. p. 107. ISBN 3-930698-60-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Official website of the Vatican City, Teutonic Cemetery Naka-arkibo 2012-09-23 sa Wayback Machine.