Santi Celso e Giuliano

Si Santi Celso e Giuliano ay isang basilika menor[1] na simbahan sa Roma, Italya. Mayroon nang ganitong estado at tradisyon mula pa noong unang panahon. Ang simbahan ay matatagpuan sa Vicolo del Curato numero 12, sa Via del Banco di Santo Spirito, ang kalsada na patungo sa Ponte Sant'Angelo.

Patsada
Plano

Ang Celso e Giuliano ay isang 'kapilya ng papa'. Ang mga Kanon ng simbahan sa kolehiyo ay nabanggit pa simula ika-14 na siglo.[2] Si Kardinal Giovanni Antonio Sangiorgio (namatay 1509) ang naging Arsopari, at inilibing sa simbahan. Noong ika-17 siglo, naitalang mayroong isang Arsopari at pitong Canon.[3]

Isang simbahan sa pook ay itinayo noong ika-9 na siglo, ang muling pagtatayo ng simbahan ay nagsimula noong ika-16 na siglo sa ilalim ni Papa Julio II, na humiling kay Bramante para sa isang disenyo (1509). Ang mga disenyo ay hindi ganap na ipinatupad. Sa ilalim ng Papa Clemente XII, nilikha ng arkitektong si Carlo de Dominicis ang simbahan na nakikita natin ngayon sa isang parihabang plano, na nakumpleto noong 1735, kasama na ang patsada. Ang pangunahing dambana ng altar ay isang Kristo sa Kaluwalhatian ni Pompeo Batoni .

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. (sa Ingles) GCatholic.org Basilics in Italy
  2. Salvino Salvini, Catalogo cronologico de' canonici della chiesa metropolitana fiorentina compilato l'anno 1751 (Firenze: per Gaetano Cambiagi stampatore granducale, 1782), p. 26.
  3. M. Armellini (1887 edition), p. 185.

Bibliograpiya

baguhin