Santissimo Nome di Maria al Foro Traiano
Ang kapistahan ng Banal na Pangalan ni Maria ay itinatag ni Papa Inocencio XI matapos ang tagumpay ng Austrianong-Polakong hukbo sa ilalim ng utos ni John III Sobieski sa mga Turko sa Labanan ng Vienna noong 1683. Itinatag ni Abad Giuseppe Bianchi ang debosyon sa kabanal-banalang pangalan ni Maria noong 1685 sa Santo Stefano del Cacco, at hindi nagtagal ay itinatag ang Kongregasyon ng Kabanal-banalang Pangalan ni Maria, na pormal na inaprubahan noong 1688.
Simbahan ng Kabanal-banalang Pangalan ni Maria sa Liwasan ni Trajano Santissimo Nome di Maria al Foro Traiano (sa Italyano) Ss. Nominis Mariae ad forum Traiani (sa Latin) | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyon | Simbahang titulo |
Pamumuno | Bakante |
Lokasyon | |
Lokasyon | Roma, Italya |
Mga koordinadong heograpikal | 41°53′46.11″N 12°29′04.40″E / 41.8961417°N 12.4845556°E |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Antoine Derizet |
Uri | Simbahan |
Istilo | Baroque |
Groundbreaking | 1736 |
Nakumpleto | 1751 |
Mga detalye | |
Direksyon ng harapan | SE |
Haba | 30 metro (98 tal) |
Lapad | 25 metro (82 tal) |
Ang Simbahan ng Kabanal-banalang Pangalan ni Maria sa Liwasan ni Trajano (Italyano: Santissimo Nome di Maria al Foro Traiano, Latin: Ss. Nominis Mariae ad forum Traiani) ay isang simbahang Katoliko Romano sa Roma, Italya. Ang simbahan na ito ay hindi dapat ikalito sa simbahan ng Santissimo Nome di Maria in Via Latina sa timog-silangang Roma. Ang maputlang simbahang marmol ay nakatayo sa harapan ng Haligi ni Trajano, ilang dosenang mga hakbang mula sa katulad na nakasimboryo, ngunit mas makulay, na simbahan ng Santa Maria di Loreto .
Mga panlabas na link
baguhin- "Santissimo Nome di Maria al Foro Traiano" (sa wikang Italyano). Vicariato de Roma.
- "Santissimo Nome di Maria al Foro Traiano". GCatholic.