Santuwaryo

(Idinirekta mula sa Santuario)

Ang santuwaryo ay isang gusaling nakalaan para sa pagsamba sa Diyos, o anumang banal na bagay katulad ng simbahan, kapilya, moske, at templo.[1][2] Kung minsan, tumutukoy ito sa pangunahin o punong pook ng pagsamba, hindi sa buong gusali.[1] Maaari rin itong tumukoy sa isang presbiteryo. Maaari ring katawagan ito para sa pook-taguan, asilo, pugad-kaligtasan ng mga taong tumakas o may iniiwasan. Kaugnay ng mga isda, ito ang bubon na binubuo ng magkakasangang mga kahoy o siit ng kawayan na nagiging taguan nila. O, sa mas malawak na paglalarawan, ang nakalaang pook para sa mga hayop o ibon, at nagsisilbing proteksiyon nila laban sa mga manghuhuli, mamamaril, o mamimitag.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 American Bible Society (2009). "Sanctuary, Word List". The Letters of Saint Paul, Commemorative Edition, Celebrating the Pauline Year 28 June 2008 - 29 June 2009, Good News Translation. American Bible Society, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 134.
  2. 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Sanctuary, santuwaryo, at iba pa - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.