Sampinit
Ang sampinit[1][2][3], prambuwesas o raspberi ay isang nakakaing prutas ng maraming mga espesye ng halaman na nasa saring Rubus ng pamilyang rosas, na ang karamihan ay nasa kabahaging sari na Idaeobatus.[4] Ginagamit ding pantawag ang pangalan sa mga halamang ito. Perenyal o pangmatagalan ang mga sampinit at at may mga tangkay na makahoy.[5]
886,538 tonelada ang pandaigdigang produksiyon ng mga sampinit noong 2021, na pinangunahan ng Rusya na may 22% ng kabuuan.[6] Itinatanim ang mga sampinit sa hilagang Europa at hilagang Amerika at kinakain sa iba't ibang paraan, bilang buong prutas at sa mga minatamis, keyk, sorbetes, at likor.[7] Saganang mapagkukunan ang mga ito ng bitamina C, mangganiso, at hiblang pandiyeta.
Mga espesye
baguhinKabilang sa mga halimbawa ng espesye ng sampinit na nasaRubus na subsaring Idaeobatus ang:
- Rubus crataegifolius (Koreanong sampinit)
- Rubus gunnianus (Alpinong sampinit ng Tasmanya)
- Rubus idaeus (pulang sampinit ng Europa)
- Rubus leucodermis (Kanluraning sampinit o sampinit na may puting balakbak, bughaw na sampinit, itim na sampinit)
- Rubus occidentalis (itim na sampinit)
- Rubus parvifolius (katutubong sampinit ng Australya)
- Rubus phoenicolasius (sampinit na pang-alak)
- Rubus rosifolius (sampinit ng Mawrisyo)
- Rubus strigosus (pulang sampinit ng Amerika) (singkahulugan: R. idaeus bar. strigosus)
- Rubus ellipticus (dilaw na sampinit ng Himalaya)
Ilan sa mga espesye ng Rubus na tinatawag ding sampinit na nakauri sa ibang mga kabahaging sari ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Rubus deliciosus (sampinit sa batuhan, subsaring Anoplobatus)
- Rubus odoratus (namumulaklak na sampinit, subsaring Anoplobatus)
- Rubus nivalis (pangniyebeng sampinit, subsaring Chamaebatus)
- Rubus arcticus (sampinit ng Artiko, subsaring Cyclactis)
- Rubus sieboldii (sampinit ng Molukas, subsaring Malachobatus)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Javelosa, Jeannie (3 Hunyo 2018). "Slow food, a discovery of the rare | Philstar.com" [Pagkaing pambagalan, pagtutuklas ng bihira | Philstar.com]. www.philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Mayo 2024.
At naroon ang sampinit, isang lokal na prambuwesas — muli, isang prutas na palagi kong nauugnay sa mga biyahe sa ibang bansa. Ngunit naroon sila sa harap ko. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Arnaldo, Steph (26 Marso 2022). "Local sampinit berries star in Sebastian's new ice cream line" [Lokal na sampinit, bida sa bagong linya ng sorbetes ng Sebastian's]. www.rappler.com. Nakuha noong 28 Mayo 2024.
Itong katutubong beri na maasim, ang lokal na bersyon ng prambuwesas, ay manu-manong namimitas mula sa mga bundok ng Laguna at Quezon! (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "LIST: 9 Philippine Fruits With Disease-Fighting Antioxidants Tested by UP" [TALAAN: 9 na Pilipinong Prutas na May Antioxidant na Panlaban sa Sikat, Tinesting ng UP]. www.rappler.com. 5 Nobyembre 2020. Nakuha noong 28 Mayo 2024.
Itinuturing ang sampinit bilang lokal at ligaw na prambuwesas na tumutubo higit sa lahat sa Quezon at Laguna. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jules Janick (2011). Plant Breeding Reviews, Volume 32: Raspberry Breeding and Genetics [Mga Pagsusuri sa Pagpapalahi ng Halaman, Bolyum 32: Pagpapalahi at Henetiko ng Sampinit] (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. p. 51. ISBN 9780470593813.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ George Bentham (1858). Handbook of the British Flora: A Description of Flowering Plants and Ferns Indigenous To, Or Naturalized In, the British Isles [Hanbuk ng Plorang Briton: Isang Paglalarawan ng Mga Halamang Namumulaklak at Pako na Katutubo Sa, O Naturalisado Sa, Kapuluang Britaniko] (sa wikang Ingles). Lovell Reeve. p. 189.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Production of raspberries in 2021; Pick list by Crops/Regions/Production Quantity" [Produksiyon ng sampinit noong 2021; Listahan ayon sa Pananim/Rehiyon/Dami ng Produksiyon] (sa wikang Ingles). United Nations, Food and Agriculture Organization Corporate Statistical Database (FAOSTAT). 2023. Nakuha noong 2 Disyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Raspberry | Description, Fruit, Cultivation, Types, & Facts" [Sampinit | Paglalarawan, Prutas, Paglilinang, Mga Uri, & Katotohanan]. Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 2023. Nakuha noong 6 Disyembre 2023.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)