Satira
Ang satira (Ingles: satire) ay isang henero ng panitikan, paminsan-minsang henero ng sining na grapiko at sining na itinatanghal, kung saan ang mga bisyo, mga kahangalan, mga kalokohan, mga katarantaduhan, mga kabaliwan, mga kaululan, mga pang-aabuso, mga kamalian, mga depekto, mga kakulangan, mga pagkukulang, mga kapintasan, at mga pagkapabaya ng mga tao ay inihaharap upang libakin at kutyain, sa paraang ideyal na ang layunin ay ipahiya ang mga indibidwal, at ang mismong lipunan, upang magkaroon ng pagbabago at pagpapainam.[1] Bagaman ang satira ay karaniwang nilalayong maging nakakatawa, ang mas malaking layunin nito ay madalas na konstruktibo, nakatutulong, nakabubuti, nakagagaling, nakabubuo, at nakapagbibigay-liwanag na panunuring panlipunan, na ginagamit ang kasistihan, talas ng isipan (kislap ng talino), pang-unawa at katalusan bilang isang sandata.
Ang isang karaniwang tampok ng satira ay ang malakas na ironiya (pambabaligtad) o sarkasmo (panunudyo)—"sa satira, ang ironiya ay militante"[2]—subalit ang parodiya, burlesk, eksaherasyon,[3] hukstaposisyon, paghahambing, analohiya, at dalawang kahulugan ay lahat na madalas gamitin sa pananalita at pagsusulat na satirikal. Ang ironiya at sarkasmong "militante" na ito ay madalas na nagpapahayag na pahintulutan (o sa pinakamababa ay tanggapin bilang likas) ang mga bagay-bagay na ninanais na atakihin ng satirista.
Sa kasalukuyang kapanahunan, ang satira na natatagpuan sa maraming mga pansining na anyo ng pagpapahayag, kabilang na ang panitikan, mga dula, mga komentaryo, at midya, katulad ng mga panitik o liriko.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Elliott 2004.
- ↑ Frye, Northrop, siping banggit[1] (manunuring pampanitikan).
- ↑ Claridge, Claudia (2010) Hyperbole in English: A Corpus-based Study of Exaggeration p.257
- ↑ http://diksiyonaryo.ph/search/tuya
- ↑ http://diksiyonaryo.ph/search/tudyo
- ↑ http://diksiyonaryo.ph/search/uyam
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.