Saturasyon (kimika)

(Idinirekta mula sa Saturasyon (kemistri))

Saturadong solusyon

baguhin

Sa kimika, ang isang solusyon ay sinasabing saturado ("tigib") kapag ang may ekilibrio na sa pagitan ng panunaw (solvent) at tinunaw (soluto) sa nabanggit na temperatura. Kapag itinaas ang temperatura lumalaki ang kapasidad ng panunaw na makatunaw ng soluto. Kapag saturado na ang isang solusyon, wala na itong kapasidad ng tumunaw pa ng soluto at ito ay makikita ang soluto di natunaw bilang tining (precipitate) kung ito ay solid. Kung ang solusyon ay naglalaman ng mas maraming soluto kaysa sa sapat na matutunaw nito, ang solusyong ito ay tinatawag na super-saturadong solusyon. Hindi ito panatag.

Isang halimbawa ng saturadong solusyon ay ang solusyon ng 37.5 gramos ng NaCl (karaniwang asin) sa 100 gramos ng tubig 0ºC. Kapag ang isang solusyon ang naglalaman ng soluto na mababa sa pwedeng tunawin ng panunaw sinasabing hindi pa ito saturado.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.