Sawsaw
Ang sawsaw, pagsawsaw, o pagsasawsaw (Ingles: dip) ay isang uri ng ehersisyo ginagamit sa pagsasanay na nagpapalakas sa katawan ng tao. Ang makitid at nasa lapad ng balikat na mga pagsasawsaw ay pangunahing nagsasanay ng mga tricep, na ang pangunahing mga sinerhista (kalahok) na mga masel ay ang anteryor na deltoid, mga masel na pektoralis o pangdibdib (mga masel na isternal, klabikular, at menor o hindi pangunahin), at ang mga masel na rhomboid ng likod (sa ganyang pagkakasunud-sunod). Ang pagsasanay na may malawak, malapad, maluwang ang layo ng mga bisig ay naglalagay ng karagdagang diin o pagtuon ng pansin sa mga masel na pektoral, na kahalintulad sa paraan na ibinibigay ng pagdiin sa bangko na may maluwang na paghawak o pagpisil ng mga kamay na mas nakatuon sa mga masel na pektoral at kaunti lamang sa mga tricep.
Klasikong kahulugan
baguhinSa lumipas na mga dekada, ang katagang pagsawsaw sa sahig o floor dip sa Ingles ay dating ginagamit na pangtawag sa tinatawag sa ngayon bilang pagdiin paangat (ang press-up sa Ingles) o pagtulak pataas (ang push-up sa Ingles).
Modernong kahulugan
baguhinUpang maisagawa ang isang pagsawsaw, ang nag-eehersisyo o nagsasanay ay bumibitin mula sa isang baras na sawsawan o mula sa isang pangkat ng mga singsing na lambarasan na ang kanyang mga bisig ay tuwid at ang mga balikat ay nasa ibabaw ng kanyang mga kamay, at pagkaraan ay ibababa ang kanyang katawan hanggang sa ang kanyang mga bisig ay nakabaluktot na nasa degring 90 ang anggulo, na susundan ng pag-aangat ng kanyang katawan paitaas, upang bumalik sa puwesto o posisyon na pinagsimulan. Ang maiiksing mga tao ay nakakayang umangkop sa pamamagitan ng isang mas makitid na paghawak o pagtangan, subalit hindi sa pamamagitan ng mas maluwang na paghawak. Ang matataas na mga tao ay mayroon mas malaking kaginhawahan sa ganitong ehersisyo sa pangkalahatan dahil ang kanilang rasyo o tumbasan ng pag-abot sa dibdib ay mas malaki.
Dahil sa likas na pagkanababanat o pleksibilidad sa kasukasuan ng balikat, mahalaga ang pagsubok na "ikandado" o pagbungkosin ang mga ito hangga't maaari habang isinasakatuparan ang ehersisyong ito. Kung hindi, ang sumusuportang mga umiikit na punyos ay maaaring mapilay.
Baryasyon
baguhinKaraniwang isinasagawa ang mga pagsawsaw sa ibabaw ng isang sawsawang baras, na ang mga kamay na sumasawsaw ang sumusuporta sa buong bigat ng kanyang katawan. Para sa karagdagang resistensiya (pagpigil o pagsalungat), ang mga pabigat ay maaaring idagdag sa pamamagitan ng paggamit ng sinturong pangsawsaw, pinabigatang tsaleko, o sa pamamagitan ng pagsusuot ng isang bag na pang-aklat na pinalooban ng mga pabigat. Ang isang dumbbell ay maaari ring ipitin sa pagitan ng mga tuhod o sa pagitan ng mga bukungbukong. Para sa mas kakaunting pagsalungat, ang isang makina na tumutulong sa pagsawsaw/paghilang-pataas (ang assisted dip/pull-up machine sa Ingles) ay maaaring gamitin na nagbabawas ng puwersang kinakailangan para sa nag-eehersisyo upang iangat ang kanyang katawan sa pamamagitan ng isang pangkontrang pabigat (panlabang timbang). Ang isang tao ay maaari ring gumamit ng mga pamigkis o taling pangsalungat (mga resistance band sa Ingles) na nakakawit sa ilalim ng kanyang mga paa upang makatulong kung wala o kulang ang lakas ng nagsasanay upang angkop na maisagawa ang isang pagsasawsaw.
Sa kawalan ng kasangkapang ito, maaari isagawa ang pagsawsaw sa bangko (bench dip sa Ingles), na isang uri ng mas magaang na bersiyon ng pagsawsaw. Ang mga kamay ay ipinapatong sa isang bangko na tuwirang nasa ilalim ng mga balikat. Ang mga hita ay itinutuwid at ipinupuwestong pahalang o pahiga; ang mga paa ay mamamahinga o ipapatong sa isa pang bangko na nasa harap ng nagsasanay. Ang naiibang gawi na ito ng pagsasawsaw ay nagsasanay ng pang-itaas na mga masel ng katawan na kahalintulad bagaman hindi katulad na katulad ng sa karaniwang pagsasawsaw, sapagkat malaki ang nababawas na kabuuang bigat na binubuhat ng nagsasanay. Ang ehersisyong ito ay maaari ring isagawa na ang mga kamay ay nakapatong sa gilid ng isang upuang sopa, isang mesang pangkusina, o anumang kalatagan na makasusuporta sa nagbubuhat ng katawan.
Mga kawing panlabas
baguhin- Mga bidyong nagpapamalas ng pagsasawsaw Naka-arkibo 2009-12-06 sa Wayback Machine.