Sayaw na pambulwagan

(Idinirekta mula sa Sayaw panlipunan)

Tumutukoy ang sayaw na pambulwagan o sayawing panlipunan (kilala sa Ingles bilang ballroom dancing at social dancing[1]) sa isang uri ng pagsasayaw sa loob ng isang bulwagan na may katambal, karaniwang lalaki at babae, na kinawiwilihan ng lipunan at pampaligsahan ng mga dalubhasang mga mananayaw. Ikinasisiya rin ang pagsasagawa at pagpapalabas nito sa mga tanghalan, pelikula, at telebisyon. Bagaman, ayon sa kasaysayan ng sayawang ito, maaaring tumuring ito sa kahit na anong anyo ng pormal na pagsasayaw na panglipunan bilang isang libangan, naging mas makipot ang sakop nito dahil sa paglitaw ng mga paligsahang pangsayawan sa makabagong panahon. Sa pangdalubhasa, tiyakang umutukoy ito sa mga estilo ng sayaw na ayon sa Pamantayang Pandaigdigan at batay sa Pandaigdigang Latino.

Magkatambal na babae't lalaking nagtatanghal ng sayaw na pambulwagan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Ballroom dancing, social dancing". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 497 [titik B, Dictionary Index].

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Sayaw, Tao at Lipunan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.