School of Rock, tinawag ring The School of Rock, ay isang 2003 Amerikanong pang-komedyang pelikula sa pangunguna ni Richard Linklater, at isinulat ni Mike White, pinagbibidahan ito ni Jack Black. Ang istorya ng pelikula ay nakasentro sa mang-aawit at gitaristang, si Dewey Finn. Pinagkaisahang siyang tanggalin sa bandang siya ang nagsimula at sa dakong huli nagpanggap siyang isang kahaliling guro sa isang prep school at doon siya bumuo ng banda na ang mga kasapi ay mga estudyante sa ika-limang baytang, para makasali at manalo sa nalalapit na Battle of the Bands para makabayad siya sa upa ng kanyang bahay.

School of Rock
School of Rock official movie poster
DirektorRichard Linklater
PrinodyusScott Aversano
Steve Nicolaides
Scott Rudin
SumulatMike White
Itinatampok sinaJack Black
Joan Cusack
Mike White
Miranda Cosgrove
Sarah Silverman
Adam Pascal
MusikaCraig Wedren
SinematograpiyaRogier Stoffers
In-edit niSandra Adair
TagapamahagiParamount Pictures
Inilabas noong
3 Oktubre 2003
Haba
92 minuto
BansaUS
WikaEnglish
Badyet$35,000,000 (estimated)
Kita$639,172,482

Kabuuan ng Kuwento

baguhin

Dewey Finn, isang mang-aawit at gitarista sa isang bandang rock, ay tinggal ng kanyang mga ka-banda sa No Vacancy dahil sa kanyang kayabangan at madalas na kalokohan habang at pagtapos tumugtog. Ang kanyang kasama sa kwarto at kaibigan na si Ned Schneebly (writer Mike White), isang kahihiling guro, ay pinipilit ng kanyang kasintahan na si Patty Di Marco (Sarah Silverman) na paalisin Dewey kung hindi siya maghahanap ng totoong trabaho at bayaran ang kanyang utang sa renta ng bahay. Naramdaman ni Dewey na kailangan niya nang isuko ang kanyang hilig hanggang sa makatanggap siya ng tawag na para sana kay Ned galing kay Rosalie Mullins (Joan Cusack), prinsipal ng horace green, isang prep school sa Woodbury, New York, tinatanong kung maaring humalili si Ned para sa isang guro na nabalian ng binti. Desperado dahil sa kanyang kinalalagayan, si Dewey ay nagpanggan na siya si Ned at tinaggap ang trabaho bilang gurong substitute sa isang klase sa ika-limang baytang.

Si Dewey ay walang ideya kung papaano niya gagampanan ang kanyang tungkulin bilang guro, dahil doon parating libreng oras ang kanilang klase. Hiniling niya sa klase na tawagin siyang "Mr.S." dahil hindi niya maisulat ang pangalan ni Ned sa pisara. Gayunpaman, noong narinig ni Dewey ang kanyang mga magaaral na tumogtog sa kanilang klase sa musika, Naisip niya na ang kanyang mga estudyante ay may talento sa pagtugtog. Nagdesisyon siya na pagawin ng isang proyektong pangklase ang kanyang mga estudyante na katotohanan ay pang-personal niya lang: gawing isang bandang rock ang mga estudyante sa kanyang klase upang maging daan sa kanyang katanyagan at pagkapanalo sa darating na Battle of the Bands, Nang mapagtanto niya na ang mga bata ay interesado sa musikang pop at hip hop, ginawa ni Dewey na ang mga sesyon ng klase niya ay nagtuturo ng kasaysayan ng rock at pagtugtog nito.

Muntik ng mahuli si Dewey ni Bb. Mullins nang napagdesisyunan niyang obserbahan ang klase para malaman ang kanilang pag-unlad, napwersa si Dewey na ituro ang nararapat talagang ituro. Sinubukan ni Dewey na ibalik ang hilig ni Bb. Mullins sa musikang rock. Nang malaman niyang idolo ni Bb. Mullins si Stevie Nicks pinatugtog niya ang "Edge of Seventeen" sa isang jukebox. Nabuo ang isang pagkakaibigan pagtapos nito. Samantala, ang tangkang pagsali ng klase sa Battle of the Bands, tinawag ni Dewey na isang proyektong pang-klase. Di nila ito nagawa dahil dumating sila ng huli. Sa tulong ng tagapamahala ng banda na si Summer Hathaway (Miranda Cosgrove), nakumbinsi ni Dewey ang mga tagapangasiwa ng Battle of the bands sa pagkuwento sa kanila na ang kanyang mga estudyante ay may malubhang karamdaman na ang tawag ay "stick-it-to-da-man-ni-osis", isang gawa-gawang sakit sa dugo, dahil sa awa, napayagan silang magtanghal sa Battle of the Bands.

Gayunman, kinahapunan ng araw na iyon, si Dewey (na hiniling na mabayaran siya ng pera) ay nailantad ng makatanggap si Ned ng kabayaran galing sa Horace Green, kahit na hindi pa siya nagtatrabaho doon. Kinagabihan ay mayroong meeting ng mga magulang at ng kanilang teacher, nakilala ni Dewey ang mga magulang ng kanyang mga estudyante, na sa unang tingin ay nagtataka sa kakayanan ni Dewey para makapagturo sa kanilang mga anak. Nagtagumpay man si Dewey na paniwalain ang mga magulang na isa siyang gurong maasahan, dumating si Ned upang harapin si Dewey (dahil sa pagpupumilit ng kanyang kasintahan). Ang kanyang tunay na pagkakakilanlan ay nailantad, at tinanggap siya sa kanyang trabaho sa paaralan. Dahil tingin niya sa kanyang sarili ay isang kabiguan, siya ay nakaramdam ng lungkot, at sinabi sa kanya ni Ned na kailangan na niyang umalis sa kanilang tirahan. Sa sumunod na araw, sa paaralan ng Horace Green, napagdesisyunan ng klase na, kahit na hindi totoo ang pinagawang proyekto sa kanila, nagtuon sila ng oras at nagsanay sila ng mabuti para lang hindi makatanghal sa Battle of the Bands, dahil doon umalis sila ng paaralan, tumigil sila upang kumbinsihin si Dewey para sumali at tumugtog kasama nila.

Sa kompetisyon, tinugtog nila ang "School of Rock", kantang sinulat ng kanilang gitaristang si Zack Mooneyham (Joey Gaydos). Sa kabila ng magandang impresyon ng mga taganood (kasama si Bb. Mullins at mga magulang), natalo ang banda ng klase sa dating banda ni Dewey na No Vacancy, pero tinanggap nila ang pagkatalo. Ang mga tagapanood ay bahagyang nagalit dahil sa pagkapanalo ng No Vacancy at hiniling ng mga takapanood ang isang "encore". Ang banda ay tumugtog pa ng isa pang kanta "It's a Long Way to the Top (If You Wanna Rock 'n' Roll)" ng AC/DC na may ibang ending. Bumuo si Dewey at si Ned ng isang programang pang musika ang "School of Rock",

Tauhan ng Pelikula

baguhin
  • Dewey Finn (Jack Black) - Si Dewey ay isang masipag, masigasig at masiglang 30 taong gulang na gustong maging isang "rock superstar"
  • Rosalie "Roz" Mullins (Joan Cusack) - Ang punong-guro ng Horace Green Elementary. Siya ay laging bihis konserbatibo.
  • Ned Schneebly (Mike White) - Si Ned ay ang kasama sa silid at matalik na kaibigan ni Dewey. Isa siyang panghaliling guro
  • Patty Di Marco (Sarah Silverman) - Kasintahan ni Ned. Si Patty ay nagtatrabaho para sa alkalde ng kanilang lugar.
  • Zack Mooneyham (Joey Gaydos Jr.) - Ang gitarista ng School of Rock. Ang kanyang ama ay isa sa mga nakakaimpluwensiya sa kanya.
  • Summer Hathaway (Miranda Cosgrove) - Ang "factotum" ng klase, si Summer ay determinadong magtagumpay sa kanyang buhay, gagawin niya ang lahat upang magtagumpay.
  • Freddy Jones (Kevin Clark) - Ang punk rock at pabayang drummer ng School of Rock. Paborito niyang magsunog ng mga bagay sa kanyang libreng oras.
  • Katie (Rebecca Brown) - Siya ang tumugtog ng gitarang "bass" sa School of Rock.
  • Lawrence (Robert Tsai) - Siya ang tumugtog ng keyboards para sa band.
  • Tomika (Maryam Hassan) – Isa sa mga "back-up" singer ng banda.
  • Marta (Caitlin Hale) - Isa sa mga "back-up" singer ng banda.
  • Alicia (Aleisha Allen) - Isa sa mga "back-up" singer ng banda.
  • Billy (Brian Falduto)- Siya ang estilista ng banda.
  • Gordon (Zachary Infante) - Isa sa mga "roadie" ng banda. Siya ang nagayos ng galaw ng ilaw sa pagtanghal ng School of Rock sa Battle of the Bands
  • Marco (James Hosey) - Isa ring "roadie"
  • Frankie (Angelo Massagli) - Natalaga sa tungkulin sa security.
  • Leonard (Cole Hawkins) - Natalaga rin sa tungkulin sa security
  • Eleni and Michelle (Veronica Afflerbach and Jordan-Claire Green) - Itinalagang "groupie"
  • Theo (Adam Pascal) - Si Theo ang pinuno ng dating banda ni Dewey na No Vacancy
  • Spider (Lucas Babin) - Si Spider ang pumalit kay Dewey sa No Vacancy
  • Neil (Lucas Papaelias) - Si Neil ang bahista ng No Vacancy

Produksiyon

baguhin

Karamihan sa mga lugar na kinunan para sa pelikula ay matatagpuan sa pangkahalatang lugar ng Lungsod ng Nuweba York. Ang paaralang ginamit para sa School of Rock naman ay ang Wagner College sa Staten Island.

Musika

baguhin

Ponograma

baguhin

Ang ponograma na kapareho rin ng pangalan ay nailabas noong 30 Setyembre 2003. Ang direktor ng pelikula na si Richard Linklater ay naghanap ng mga musikerong 13 taong gulang sa kanilang bansa para tumugtog ng musikang "rock-and-roll" para sa ponograma at pelikula.

baguhin

* Featured on the Soundtrack album

Box office performance

baguhin

Ang pelikula ay nagkaroon ng tagumpay sa pagkita ng pera. Nakalikom sila ng $131,282,949 mula mga bansa. Ang badyet ng pelikula ay $35 million.

baguhin