Sebrang kabayo
Ang sebrang kabayo o sebrula, na zorse o zebrula sa pinagmulang Ingles, ay isang anak ng lalaking sebra at isang babaeng kabayo; ang mas hindi kadalasang pagpaparis na kabaliktaran ay minsang tinatawag na hebra. Isa itong sebroyd, isang salitang tumutukoy sa anumang mestiso o haybrid na kabayong may ninunong sebra.
Sebrang kabayo | |
---|---|
Isang sebrang kabayo sa isang litrato kinuha noong 1899 mula sa The Penycuik Experiments (Mga Pagsubok na Penycuik) ni J.C. Ewart. Si Romulus: isang taong gulang pa lamang. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | E. zebra + caballus
|
Pangalang binomial | |
Equus zebra x Equus caballus |
Ang sebrang kabayo ay mas kahugis ng isang kabayo kaysa isang sebra, subalit mas makapal na guhit sa mga hita at, sa kalimitan, mga guhit sa ibabaw ng katawan at leeg. Katulad ng karamihan sa ibang mga mestisong nagbubunga sa pagtatambal ng magkakaibang mga uri (inter-espesye o "pinaghalong mga uri").
Inihalo ni Cossar Ewart, isang propesor ng Likas na Kasaysayan sa Edinburgh (1882-1927) at isang masinop na henetisista, ang isang lalaking sebra sa mga babaeng bisiro upang masiyasat ang panukalang telegoniya, o "bakas ng ama". Gumamit si Ewart ng mga Arabeng babaeng kabayo.
May katulad na mga pagsubok na isinagawa ang Pamahalaan ng Estados Unidos na naiulat sa Genetics in Relation to Agriculture (Henetiko Kaugnay ng Agrikultura) nina E. B. Babcock at R. E. Clausen, at sa The Science of Life (Ang Agham ng Buhay) ni H. G. Wells, J. Huxley at G. P. Wells (c. 1929).
Ang mga sebra, mga asno, at mga kabayo ay mga kasapi ng saring equus (mga equine). Mapaghahalo ang mga equus upang makalikha ng mga mestiso o haybrid. Lahat sila ay may bahagyang pagkakaiba sa pangkayariang henetiko, subalit mga equus pa rin, na ang kabayo ay mayroong 64 na mga kromosoma (chromosome), samantalang ang sebra ay may nasa pagitan ng 32 at 44 (ayon sa uri). Karamihan sa mga sebrang kabayo ay may 54 na mga kromosoma (44 x 64).
Sanggunian
baguhinMga panlabas na kawing
baguhin- The International Zebra Zorse Zonkey Association Naka-arkibo 2011-02-02 sa Wayback Machine.
- Zorseman.com Naka-arkibo 2008-11-18 sa Wayback Machine.
- Mga mestisong sebra/kabayo
- Palabas na may isang Sebrang Kabayo
- Palabas na may balita Naka-arkibo 2008-02-26 sa Wayback Machine. hinggil sa isang Sebrang Kabayo (Aleman)