Seguro
- Nakaturo papunta rito ang mga salitang "siguro" at "sigurado" o ibang pang katulad at kahalintulad ng mga salitang ito. Para sa may kahulugang may kaugnayan sa paniniyak o pagtitiyak, tingnan ang Katiyakan.
Ang seguro (Ingles: insurance) ay isang kataga sa batas at sa ekonomika. Isa itong bagay na binibili ng mga tao upang maprutektahan ang kanilang mga sarili magmula sa pagkawala ng pera. Ang mga tao na bumibili ng seguro ay nagbabagay ng tinatawag na isang premium o prima (may literal na kahulugang ganti, ganting pala, pabuya)[1] at nangangakong mag-iingat (ang tinatawag na duty of care o "tungkulin ng pag-iingat"). Bilang kapalit nito, kapag mayroong nangyaring masama sa isang tao o bagay na nakaseguro, ang kompanyang nagbenta ng seguro ay pabalik na magbabayad ng salapi. (Subalit, mayroong ilang mga pagkakataon na ang kompanya ay hindi kinakailangang magbayad na pabalik, katulad nang kung ang tao ay hindi naging maingat.)
Mga uri ng seguro
baguhinMaraming iba't ibang mga uri ng seguro. Ang isang uri ang tinatawag na seguro sa sunog (fire insurace). Binabayaran nito ang mga tao kapag ang kanilang ari-arian ay nasunog at natupok ng apoy. Ang isa pang uri ng seguro ay ang seguro sa buhay (life insurace), na nagbabayad ng pera sa ibang tao (tinatawag na beneficiary, ang "benepisyaro" o ang "makikinabang", "ang pinag-uukulan ng pakinabang"[2]) kapag ang tao na mayroong seguro sa buhay ay namatay o nagkaroon ng malubhang karamdaman.
Mga aktuwaryo
baguhinAng aktuwaryo (mga actuary sa Ingles, na nagiging actuaries kapag maramihan) ay ang mga tao na umaalam kung magkano ang halaga ng prima o premium na babayaran ng nagpapaseguro. Binabalanse o tinitimbang nila kung magkano ang maaaring dapat bayaran ng nagpapaseguro laban sa mga pagkakataon o mga tiyansa ng pagiging dapat nilang bayaran (laban sa kung magkano ang maaari nilang ilabas na pera bilang kabayaran). Kapag inisip ng aktuwaryo na mayroong isang malaking pagkakataon na ang kompanya ay maaaring magbayad o maglabas ng pera bilang bayad, gagawin niyang mas mataas ang halaga ng prima.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ premium Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., bansa.org
- ↑ beneficiary[patay na link], bansa.org