Kalihim ng Estado
Ang Kalihim ng Estado o Sekretaryo ng Estado (Sekretarya ng Estado kung babae) ay isang pangkaraniwang pamagat o titulo ng isang opisyal ng pamahalaan. Iba-iba ang mga tungkulin o gampanin nito sa sari-saring mga bansa, at sa ilang pagkakataon mayroong maraming mga Kalihim ng Estado sa isang pamahalaan. Sa karamihan ng mga bansa, isang opisyal na nasa gitnang antas ng pamahalaan ang Kalihim ng Estado. Sa Nagkakaisang Kaharian, isang mataas na opisyal ng pamahalaan ang Kalihim ng Estado. Sa pamahalaang pederal ng Estados Unidos, iisa lamang ang Kalihim ng Estado, at siyang may tungkulin sa ugnayang panlabas, na katumbas ng isang ministro ng ugnayang panlabas o sekretaryo ng ugnayang panlabas. Sa Banal na Sede o Tanggapan ng Santo Papa[1] (ang Holy See[1]), mayroong isang Kalihim ng Estado na nangangasiwa sa lahat ng mga kagawaran o departamento ng Kuryang Romano, na katumbas ng isang punong ministro.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Pamahalaan at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.