Oryentasyong seksuwal

(Idinirekta mula sa Seksuwal orientasyon)

Ang oryentasyong seksuwal' ay naglalarawan sa isang nagtatagal na nakagawian o padron ng pagkaakit - pangdamdamin, romantiko, seksuwal, o ilang pagsasama-sama ng mga ito - sa katumbas na kasarian, sa katulad na kasarian, sa kapwa kasarian, o wala sa anumang kasarian, at ang mga kasariang umaagapay sa kanila. Sa pamamagitan ng kasunduan ng organisadong mga mananaliksik, ang mga pagkaakit na ito ay ginawang kabahagi sa ilalim ng heteroseksuwalidad, homoseksuwalidad, biseksuwalidad, at aseksuwalidad. Ayon sa Amerikanong Asosasyong Pangsikolohiya, tumutukoy din ang oryentasyong seksuwal sa pandama ng "pagkakalinlanlang personal at panlipunan" ng isang tao "batay sa mga pagkaakit na iyon, mga kaasalan ng pagpapadama ng mga iyon, at kasapian sa isang pamayanan na nakikisalo sa mga ito."[1][2] Ang katagang preperensiyang seksuwal o kagustuhang pangkasarian ay malakihan ang pagkakasalabat sa kamalayang pangkasarian, subalit naipagkaiba sa pananaliksik na pangsikolohiya.[3] Ang taong kumikilala sa kanyang sarili bilang biseksuwal, bilang halimbawa, ay gusto ang isang kasarian higit sa isa.[4] Maaari ring imungkahi ng "kagustuhang pangkasarian" ang isang antas o degri ng kusang pagpili, na pinagtatalunan batay sa pormasyong seksuwal o paghulmang pangkasarian.[3]

Sa pangkasalukuyang konsensus ng mga dalubhasa, ang oryentasyong seksuwal ay hindi isang pagpili.[5][6][7] Walang payak na nag-iisang sanhi para sa oryentasyong seksuwal na talagang naipakita, subalit iminumungkahi ng pananaliksik na ito ay sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga impluhong henetiko, hormonal, at pangkapaligiran,[8] na ang mga bagay na pambiyolohiya ay kinasasangkutan ng isang masalimuot na tugunan ng mga bagay na henetiko at ang kaagahan panahon sa loob ng kapaligiran ng bahay-bata.[9] Ang pananaliksik sa loob ng ilang mga dekada ang nagpamalas na ang oryentasyong seksuwal ay umaabot sa kahabaan ng isang kontinuum (kabuuang walang puwang), mula sa pantangi o eksklusibong pagkaakit sa kabaligtad o katumbas na kasarian hanggang sa pantanging pagkabighani sa katulad o kaparehong kasarian. Karaniwan itong tinatalakay sa pamamagitan ng mga salitang heteroseksuwalidad, biseksuwalidad, at homoseksuwalidad.[1] bagaman ang aseksuwalidad ay nagkakaroon ng mataas na pagkakilala bilang ikaapat na kategorya.[10] Ang mga kategoryang ito ay mga aspeto ng mas may bahid na kalikasan ng katauhang pangkasarian o identidad na seksuwal. Bilang halimbawa, ang mga tao ay maaaring gumamit ng ibang mga kabansagan o kaya ay wala naman.[1]

Sa artikulong ito, ang kamalayang pangkasarian ay pangunahing iniuulat batay sa loob ng larangan ng biyolohiya at sikolohiya, kasama na ang seksolohiya. Batay sa nabanggit na, sa payak na pananalita, ang kamalayang pangkasarian ay isang katagang nangangahulugan kung anong uri ng mga tao ang minamahal o may damdaming pangseks o romantiko ng isang tao o indibiduwal. Ang isang tao ay maaaring umibig sa isang tao na katulad ng kanyang kasarian, sa isang taong iba ang kasarian, sa kapwa kasarian, o wala sa mga ito.

Mga pananalitang ginagamit

baguhin

Ang mga salitang pinaka ginagamit kapag tinatalakay ang oryentasyong seksuwal ng isang tao ay ang mga sumusunod:

  • Heteroseksuwal (minsang tinatawag ding tuwid) - maaari silang maakit sa isang tao na nasa kabilang kasarian
  • Homoseksuwal - maaari silang maakit sa isang tao na katulad ng kanilang kasarian
  • Biseksuwal - maaari silang maakit sa kapwa kasarian (sa kabila at sa kaparehong kasarian)
  • Aseksuwal - hindi sila seksuwal na naaakit kaninuman
  • Panseksuwalidad

Ang mga salitang minsan ding ginagamit kapag pinag-uusapan ang kamalayang seksuwal ng isang tao ay ang mga sumusunod:

  • Transhender at transeksuwal - naniniwala ang isang tao na nasa kabilang kasarian sila sa halip na kung ano ang nasa kanilang mga katawan
  • parapilya - ang tao ay nakakakuha ng kasiyahan mula sa ibang mga bagay na pangkaraniwang hindi nakikita bilang seksuwal, tinatawag na mga fetish (petis) o mga bagay na pinagtutuunan ng seksuwal na pagpansin
  • Interseksuwal

Hindi lahat ng mga tao ang sumasang-ayon na ang ilan sa mga huling mga kataga o termino ay talagang mga kamalayang pangkasarian. Bilang halimbawa, ang isang tao ay maaaring may petis at maaari pa ring maging isang heteroseksuwal, homoseksuwal, o biseksuwal. Ang isang tao ay maaari ring transhender o transeksuwal at maaari pa ring mgaing isang heteroseksuwal, homoseksuwal, o kaya biseksuwal.

Maraming mga tao ang nakaranas ng diskriminasyon dahil sa kanilang oryentasyong pangkasarian. Sa maraming mga kultura, ang mga taong bakla (homoseksuwal) o silahis (biseksuwal) ay nagiging tampulan ng tuksuhan o pagtatawa, napapatalsik mula sa trabaho, o kaya pinaghihirap ng karahasan dahil sa pagiging mga sarili nila. Sa maraming mga bansa at mga estado, mayroong mga batas laban sa gawaing pakikipagtalik sa tao na may katulad na kasarian, at ang mga tao ay maaaring maibilanggo ayon sa kung kanino sila nakipagtalik. Sa Estados Unidos, ang mga batas na ito ay binawi o pinawalan ng bisa (sa diwa ng repeal sa Ingles) ng Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos sa loob ng huling mga taon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Sexuality, What is sexual orientation?". American Psychological Association. Nakuha noong 2008-08-12.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Case No. S147999 in the Supreme Court of the State of California, In re Marriage Cases Judicial Council Coordination Proceeding No. 4365, Application for leave to file brief amici curiae in support of the parties challenging the marriage exclusion, and brief amici curiae of the American Psychological Association, California Psychological Association, American Psychiatric Association, National Association of Social Workers, and National Association of Social Workers, California Chapter in support of the parties challenging the marriage exclusion (California amicus brief of APA, APA, & NASW).
  3. 3.0 3.1 "Avoiding Heterosexual Bias in Language" (PDF). American Psychological Association. Nakuha noong Hulyo 19, 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Rosario, M., Schrimshaw, E., Hunter, J., & Braun, L. (2006, Pebrero). Sexual identity development among lesbian, gay, and bisexual youths: Consistency and change over time. Journal of Sex Research, 43(1), 46–58. Nakuha noong Abril 4, 2009.
  5. Pediatrics: Sexual Orientation and Adolescents Naka-arkibo 2008-08-30 sa Wayback Machine., American Academy of Pediatrics Clinical Report. Retrieved 2009-12-08.
  6. Royal College of Psychiatrists: Submission to the Church of England's Listening Exercise on Human Sexuality.
  7. Garcia-Falgueras, Alicia, & Swaab, Dick F., Sexual Hormones and the Brain: An Essential Alliance for Sexual Identity and Sexual Orientation, sa Endocrine Development, bol. 17, pp. 22–35 (2010) (ISSN 1421-7082) (ang mga may-akda ay ang Netherlands Institute for Neuroscience, ng Royal Netherlands Academy of Arts and Sciences) (ang kaugnayang may-akda ay ang pangalawang may-akda), (sa bol. 17 ay sina Sandro Loche, Marco Cappa, Lucia Ghizzoni, Mohamad Maghnie, & Martin O. Savage, mga patnugot, Pediatric Neuroendocrinology).
  8. Frankowski BL; American Academy of Pediatrics Committee on Adolescence (Hunyo 2004). "Sexual orientation and adolescents". Pediatrics. 113 (6): 1827–32. doi:10.1542/peds.113.6.1827. PMID 15173519.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Royal College of Psychiatrists: Submission to the Church of England’s Listening Exercise on Human Sexuality.
  10. Bogaert, Anthony F. (2004). Asexuality: Prevalence and Associated Factors In a National Probability Sample. Journal of Sex Research 41 (3): 281. Nakuha noong 31 Agosto 2007.