Pang-aabusong seksuwal

(Idinirekta mula sa Sekswal na pang-aabuso)

Ang pang-aabusong sekswal, o kilala rin sa tawag na pangmomolestiya, ay ang pagpilit ng mga hindi kanais-nais na sekswal na pag-uugali ng isang tao sa iba. Kung ito ay agarang pamumwersa, ng maiksing durasyon, o madalang, ito ay tinatawag na sekswal na panghahalay. Ang may-sala ay tinatawag bilang isang mang-aabusong sekswal o (madalas na nakasisira) tagamolestiya.[1] Ang kataga ay sumasaklaw din sa anumang pag-uugali ng sino mang may sapat na gulang tungo sa isang bata upang pasiglahin ang sino man sa dalawa ukol sa gawaing sekswal. Kung ang biktima ay mas bata kaysa sa edad ng pagpapahintulot, ito ay tinutukoy na pang-aabusong sekswal sa bata.

Mga uri ng sekswal na pang-aabuso

baguhin

Maraming mga uri ng sekswal na pang-aabuso, kabilang ang:

  • Hindi-napahintulutang, sapilitang pisikal na sekswal na pag-uugali (panggagahasa at sekswal na panghahalay).
  • Hindi ninanais na paghawak o panghihipo, sino man sa isang bata o isang matanda.
  • Sekswal na paghalik, panghihipo, pagpapakita ng ari ng lalaki o babae, at pamboboso, pagtatanghal at hanggang sa sekswal na panghahalay.
  • Pagpapakita sa isang bata ng pornograpiya.
  • Pagsasabi ng mga mapagmungkahing salitang sekswal sa isang bata (pangmomolestiya sa bata).
  • Kasama rin dito ang di-pinahihintulutang pananalitang sekswal na pangangailangan tungo sa isang matanda.
  • Ang paggamit ng posisyon ng tiwala upang mamilit kung hindi man hindi ginustong sekswal na aktibidad na walang pisikal na pamimilit (o maaaring humantong sa tangkang panggagahasa o sekswal na panghahalay).
  • Insesto (tingnan din ang sekswal na paglihis).
  • Iba pang anyo ng sekswal na pang-aabuso.

Seksuwal na pang-aabuso sa asawa

baguhin

Ang sekswal na pang-aabuso sa asawa ay isang anyo ng karahasan sa tahanan. Kapag ang pang-aabuso ay nagsasangkot ng sapilitang pagtatalik, maaari itong maging panggagahasa para doon sa asawa, depende sa hurisdiksiyon, at maaari rin itong maging isang uri ng panghahalay.

Mga posisyon ng Kapangyarihan

baguhin

Ang isang maling gawaing seksuwal ay maaaring mangyari kung ang isang tao ay gumagamit ng posisyon ng kapangyarihan upang pilitin ang ibang tao para maakit sa isang hindi ninanais na sekswal na aktibidad. Halimbawa, ang sekswal na panliligalig sa lugar ng trabaho ay maaaring magsangkot ng isang empleyado sa pagpilit sa isang sekswal na sitwasyon ng dahil sa takot ng pagkakaalis sa trabaho. Ang sekswal na panliligalig sa paaralan ay maaaring magdawit ng isang mag-aaral na nagsusumite sa mga sekswal na gawain para sa isang taong nasa awtoridad sa takot na mapaarusahan, halimbawa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng isang bagsak na marka.

Maraming eskandalo ng pang-aabusong sekswal ay nagsangkot na ng pang-aabuso ng relihiyosong awtoridad at madalas na pinagtatakpan ng mga di nang-aabuso, kabilang ang mga kaso sa relihiyon ng Katimugang Bautismo,[2] Simbahang Katoliko, miyembro ng Protestanteng simbahan ng Episkopalyang relihiyon,[3] Islamiko, Mga Saksi ni Jehovah, Simbahan ni Luther,[4] Simbahang Metodista,[5] Ang Simbahan ni Hesu Kristo ng palabas-araw ng mga Santo,[6] ang Pundamentalistang Simbahan ni Hesu Kristo ng Palabas-Araw ng mga Santo, Ortodoksiya Hudaismo,[7] at iba't-ibang kulto.

Sekswal na pang-aabuso sa bata

baguhin
 
Batang dumanas ng pang-aabusong seksuwal, mula sa isang lathalain noong 1 Pebrero 1910
 
Leave me alone, dirty cuckold ("Pabayaan mo ako, maruming lalaking ang asawang babae ay nakikipagtalik sa iba."), 1905, ni Martin van Maële

Ang sekswal na pang-aabuso sa bata ay isang anyo ng pang-aabuso sa bata kung saan ang isang bata ay inabuso para sa sekswal na kasiyahan ng isang matanda o nagbibinata o nagdadalagang tao.[8] [19][9] Karagdagan pa sa mga direktang paglalapit na sekswal, ang sekswal na pang-aabuso sa bata ay nangyayari rin kapag ang isang taong nasa wastong gulang ay walang pakundangang nagpapakita ng kaniyang ari sa isang bata, nagtatanong o namimilit sa isang bata para maengganyo sa sekswal na gawain, nagpapakita ng pornograpiya sa isang bata, o gumagamit ng isang bata upang makabuo ng pornograpiya ng bata.[8][10][11]

Kabilang sa mga epekto ng pang-aabusong sekswal sa bata ay ang pagkakaroon ng damdamin ng pagkakasala at pagsisi sa sarili, pagbalik ng mga alaala, bangungot, hindi pagkakatulog, takot sa mga bagay na may kaugnayan sa pang-aabuso (kasama na ang mga bagay, amoy, lugar, mga pagbisita sa doktor, atbp), mga isyu ng pagtingin sa sarili, hind paggana ng maayos ng mga sekswal na bahagi, talamak na pagsakit ng ilang bahagi, adiksiyon, pinsala sa sarili, pag-iisip ng pagpapakamatay, reklamong somatiko, depresyon,[12] post-traumatikong kaguluhan dahil sa istres,[13] pagkabalisa,[14] at iba pang mga sakit sa pag-iisip (kabilang ang mga kaguluhan ukol sa personalidad) [15] likas na hilig sa pambibiktimang muli sa pagtanda,[16] at pisikal na pinsala sa bata, bukod sa iba pang mga problema.[17] Ang mga batang biktima ng pang-aabusong sekswal ay higit sa anim na beses na mas malamang na nagtangkang magpakamatay[18] at walong beses na mas malamang na paulit-ulit na nagtatangkang magpakamatay.[18] Ang mga nang-aabuso ay malamang din magtangkang magpakamatay. Karamihan sa mga pinsalang naidudulot sa mga biktima ay nagiging maliwanag ilang taon matapos mangyari ng mga pag-aabuso.

Ang abusong sekswal ng isang miyembro ng pamilya ay isang anyo ng insesto, at nagreresulta sa mas seryoso at pang-matagalang sikolohikal na trauma, lalo na sa kaso ng mga panggagahasa ng magulang.[19]

Humigit-kumulang 15% hanggang sa 25% ng mga kababaihan at 5% sa 15% ng mga lalaki ay sekswal na inabuso noong sila ay bata pa.[20][21][22][23][24] Karamihan sa mga nang-aabusong sekswal ay kilala ng kanilang mga biktima; humigit-kumulang 30% ay mga kamag-anak ng bata, pinakamadalas ay tatay, tiyo o pinsan; halos 60% ay iba pang kakilala tulad ng mga kaibigan ng pamilya, tagapangalaga ng bata, o kapitbahay; ang mga estranghero bilang maysala ay humigit-kumulang 10% lamang ng mga kaso ng pang-aabusong sekswal sa mga bata. Karamihan sa mga sekswal na pang-aabuso sa mga bata ay ginagawa ng mga lalaki; ang mga kababaihan ay gumawa ng humigit-kumulang 14% ng mga iniulat na pagkakasala laban sa mga lalaki at 6% ng mga iniulat na pagkakasala laban sa mga babae.[20] Karamihan sa mga may-salang nang-aabuso ng mga batang hindi pa nagdadalaga o nagbibinata ay mga pedopilyo;[25][26] gayunpaman, isang maliit na porsyento ay hindi umaayon sa mga paunanang batayan para sa pedopilya.[27]

Sekswal na pang-aabuso ng mga taong may mga kapansanan sa pag-unlad

baguhin

Ang mga taong may mga kapansanan sa pag-unlad ay madalas na mga biktima ng sekswal na pang-aabuso. Ayon sa pananaliksik, ang mga taong may kapansanan ay nasa mas higit na panganib sa pambibiktima ng mga sekswal na pananakit o sekswal na pang-aabuso dahil sa kakulangan nila ng pang-unawa (Sobsey & Varnhagen, 1989). Ang bilis ng pagdami ng sekswal na pang-aabusong nangyayari sa mga taong may kapansanan ay malagim, ngunit karamihan sa mga kasong ito ay hindi naman napapansin.

Sekswal na pang-aabuso at minorya

baguhin

Ang sekswal na pang-aabuso ay isang malaking isyu sa ilang mga minoryang komunidad. Noong 2007, ilang bilang ng mga biktimang Hispaniko ay nakasama sa kasunduan ng isang malakihang kaso ng sekswal na pang-aabuso na kinasasangkutan ng mga arkidiyosesis sa Los Angeles, Estados Unidos ng Simbahang Katoliko.[28] Upang tugunan ang isyu ng sekswal na pang-aabuso sa mga komunidad na Aprikano-Amerikano, ang prestihiyosong Leeway Foundation[29] ay nag-isponsor at nagbigay upang mabuo ang www.blacksurvivors.org,[30] isang pambansang suportang grupong onlayn at sentro ng mga mapagkukunan para sa mga Aprikano-Amerikanong nakaalpas sa sekswal na pang-aabuso. Ang non-profit na grupong ito ay itinatag noong 2008 ni Sylvia Coleman, isang Aprikano-Amerikanong nakaligtas sa pang-aabusong sekswal at isang pambansang eksperto upang mapigilan ang mga sekswal na pang-aabuso.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Peer commentaries on Green (2002) and Schmidt (2002)". Archives of Sexual Behavior. 31. 2002. Child molester is a pejorative term applied to both the pedophile and incest offender. {{cite journal}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Stop Baptist Predators
  3. "Episcopalian Ministers". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-01. Nakuha noong 2011-04-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-02-14 sa Wayback Machine.
  4. The Lutheran Naka-arkibo 2015-10-06 sa Wayback Machine.Lutheran abuse Naka-arkibo 2019-01-01 sa Wayback Machine.
  5. "Methodist abuse". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-01-10. Nakuha noong 2011-04-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-06-25 sa Wayback Machine.
  6. Anderson, Lavina (1995). Case Reports of the Mormon Alliance Volume 1. ISBN 0108788350.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Abuse Scandal Plagues Hasidic Jews In Brooklyn by Barbara Bradley Hagerty. All Things Considered, National Public Radio. 2 Pebrero 2009.
  8. 8.0 8.1 "Child Sexual Abuse". Medline Plus. U.S. National Library of Medicine,. 2008-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: extra punctuation (link)
  9. Committee on Professional Practice and Standards (COPPS), Board of Professional Affairs (BPA), American Psychological Association (APA); Catherine Acuff, Ph.D.; Steven Bisbing, Ph.D.; Michael Gottlieb, Ph.D.; Lisa Grossman, Ph.D.; Jody Porter, Ph.D.; Richard Reichbart, Ph.D.; Steven Sparta, Ph.D.; and C. Eugene Walker, Ph.D (1999). "Guidelines for Psychological Evaluations in Child Protection Matters". American Psychologist. 54 (8): 586–593. doi:10.1037/0003-066X.54.8.586. PMID 10453704. Nakuha noong 2008-05-07. Abuse, sexual (child): generally defined as contacts between a child and an adult or other person significantly older or in a position of power or control over the child, where the child is being used for sexual stimulation of the adult or other person. {{cite journal}}: Unknown parameter |laydate= ignored (tulong); Unknown parameter |laysource= ignored (tulong); Unknown parameter |laysummary= ignored (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  10. Martin, J.; Anderson, J.; Romans, S.; Mullen, P; O'Shea, M (1993). "Asking about child sexual abuse: methodological implications of a two-stage survey". Child Abuse and Neglect. 17 (3): 383–392. doi:10.1016/0145-2134(93)90061-9. PMID 8330225.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Child sexual abuse definition from the NSPCC
  12. Roosa, M.W.; Reinholtz, C.; Angelini, P.J. (1999). "The relation of child sexual abuse and depression in young women: comparisons across four ethnic groups". Journal of Abnormal Child Psychology. 27 (1): 65–76. PMID 10197407. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-01-13. Nakuha noong 2011-04-23. {{cite journal}}: Unknown parameter |author-separator= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-01-13 sa Wayback Machine.
  13. Widom C.S. (1999). "Post-traumatic stress disorder in abused and neglected children grown up," Naka-arkibo 2011-10-08 sa Wayback Machine. American Journal of Psychiatry; 156(8):1223-1229.
  14. Levitan, R. D., N. A. Rector, Sheldon, T., & Goering, P. (2003). "Childhood adversities associated with major depression and/or anxiety disorders in a community sample of Ontario: Issues of co-morbidity and specificity Naka-arkibo 2020-03-05 sa Wayback Machine.," Depression & Anxiety; 17, 34-42.
  15. "AJP.psychiatryonline.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-30. Nakuha noong 2011-04-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Messman-Moore, Terri L.; Long, Patricia J. (2000). "Child Sexual Abuse and Revictimization in the Form of Adult Sexual Abuse, Adult Physical Abuse, and Adult Psychological Maltreatment". 15 Journal of Interpersonal Violence. 489: 2000. doi:10.1177/088626000015005003. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-11. Nakuha noong 2011-04-23.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-01-11 sa Wayback Machine.
  17. Dinwiddie, S; Heath, AC; Dunne, MP; Bucholz, KK; Madden, PA; Slutske, WS; Bierut, LJ; Statham, DB; Martin, NG (2000). "Early sexual abuse and lifetime psychopathology: a co-twin-control study". Psychological Medicine. 30 (1): 41–52. doi:10.1017/S0033291799001373. PMID 10722174. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-24. Nakuha noong 2011-04-23. {{cite journal}}: Unknown parameter |author-separator= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 "Drlowenstein.com" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-11-22. Nakuha noong 2008-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-11-22 sa Wayback Machine.
  19. Courtois, Christine A. (1988). Healing the Incest Wound: Adult Survivors in Therapy. W. W. Norton & Company. pp. 208. ISBN 0393313565.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 Julia Whealin, Ph.D. (2007-05-22). "Child Sexual Abuse". National Center for Post Traumatic Stress Disorder, US Department of Veterans Affairs.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. David Finkelhor (summer/fall 1994). "Current Information on the Scope and Nature of Child Sexual Abuse" (PDF). The Future of Children. (1994) 4(2): 31-53. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  22. Crimes against Children Research Center
  23. "Family Research Laboratory". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-26. Nakuha noong 2011-04-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Kevin M. Gorey and Donald R. Leslie (1997). "The prevalence of child sexual abuse: Integrative review adjustment for potential response and measurement biases". Child Abuse & Neglect. Elsevier Science Ltd. 21 (4, Abril 1997): 391–398. doi:10.1016/S0145-2134(96)00180-9. PMID 9134267. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-13. Nakuha noong 2011-04-23.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Hall, MD, Ryan C.; Richard C. W. Hall, MD, PA. (2007). "A Profile of Pedophilia: Definition, Characteristics of Offenders, Recidivism, Treatment Outcomes, and Forensic Issues" (PDF). Mayo Clin Proc. Mayo Foundation for medical education and research. 82:457-471 2007 (4): 457–71. doi:10.4065/82.4.457. PMID 17418075.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  26. Ames, A.; Houston, D. A. (1990). "Legal, social, and biological definitions of pedophilia". Archives of Sexual Behavior. 19 (4): 333–342. doi:10.1007/BF01541928. PMID 2205170.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  27. Laws, Dr. Richard; William T. O'Donohue (1997). "H. E.Barbaree, M. C.Seto". Sexual Deviance: Theory, Assessment, and Treatment. Guilford Press. pp. 175–193. ISBN 1572302410.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. NPR.org
  29. Leeway.org
  30. Blacksurvivors.org

Karagdagang Pagbabasa

baguhin
  • Sorenson, Susan B. (1997). Violence and Sexual Abuse at Home: Current Issues in Spousal Battering and Child Maltreatment, New York: Haworth Press. ISBN 1-56024-681-2.
  • Leigh Ann Reynolds. "People with Mental Retardation & Sexual Abuse. The Arc Q & A", Arc National Headquarters, 1997
  • Baladerian, N. (1991). "Sexual abuse of people with developmental disabilities". Sexuality and Disability. 9 (4): 323–335. doi:10.1007/BF01102020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Sobsey, D.(1994). Violence and Abuse in the Lives of People With Disabilities: The End of Silent Acceptance? Baltimore: Paul H. Brookes Publishing Co. ISBN 978-1-55766-148-7
  • Sobsey D. and Varnhagen, C.(1989). "Sexual abuse and exploitation of people with disabilities: Toward Prevention and Treatment". In M. Csapo and L. Gougen (Eds) Special Education Across Canada (pp. 199–218). Vancouver Centre for Human Developmental Research
  • Valenti-Hien, D. and Schwartz, L.(1995). "The sexual abuse interview for those with developmental disabilities". James Stanfield Company, Santa Barbara: California.
  • White-Davis, Donna Lovers in the Time of Plague copyright 2009

Mga kawing panlabas

baguhin