Sekular na humanismo

(Idinirekta mula sa Sekular na humanista)

Ang pilosopiyang sekular na humanismo ay yumayakap sa katwiran ng tao, etika, hustisyang panlipunan at pilosopikal na naturalismo samantalang tumatakwil sa relihiyosong dogma, supernaturalismo, sudosiyensiya, o pamahiin bilang batayan ng moralidad at paggawa ng desisyon.[1][2][3]

Ito ay nagsasaad na ang mga tao ay may kakayahang maging etikal at moral nang walang relihiyon o paniniwala sa isang diyos. Gayunpaman, hindi ito nagpapalagay na ang mga tao ay likas na masama o mabuti o nagtatanghal na ang mga tao ay superior sa kalikasan. Sa halip, ito ay nagbibigay diin sa walang katulad na responsibilid na hinaharap ng sangkatauhan at ang mga kahihinatnan na pang-etika ng mga desiyon ng tao. Ang pundamental sa konsepto ng sekular na humanismo ay malakas na pananaw na ang ideolohiya kahit pa ito ay relihiyoso o pampolitika ay dapat buong sinusuri ng bawat indibidwal at hindi lamang simpleng tinatanggap o tinatakwil sa pananampalataya. Kasama nito, ang mahalagang bahagi ng sekular na humanismo ang patuloy na pagtanggap ng paghahanap sa katotohanan na pangunahin ay matatamo sa pamamagitan ng agham at pilosopiya. Hinahango ng maraming mga humanista ang kanilang mga moral na paniniwala mula sa pilosopiya ng utilitarianismo, etikal na naturalismo o etikang ebolusyonaryo. Ang ilan ay nagtataguyod ng isang agham ng moralidad.

Mga manipesto at deklarasyon

baguhin
 
Ang mga organisasyong tulad ng International Humanist and Ethical Union ay gumagamit ng simbolong masayang tao batay sa pang-1965 na disenyo ni Denis Barrington

Ang mga humanista ay nagtipon ng iba't ibang mga manipesto upang pag-isahin ang pagkakakilanlang Humanista. Ang mga orihinal na lumagda sa unang manipesto ng Humanisto noong 1933 ay naghayag sa kanilang mga sarili na relihiyosong humanista. Dahil sa kanilang pananaw na ang mga tradisyonal na relihiyon ay nabibigo na sapatan ang kanilang mga pangangailangan sa mga panahong ito, ang mga lumagda noong 1933 ay naghayag na kailangang magtatag ng isang relihiyon na isang nagbabagong pwersa upang sapatan ang mga pangangailangan ng panahong ito. Gayunpaman, ang relihiyong ito ay hindi naghahayag ng paniniwala sa anumang diyos. Ang una ay napalitan ng ikalawa. Sa pauna ng Humanist Manifesto II, noong 1973, isinaad ng mga may akdang sina Paul Kurtz at Edwin H. Wilson na ang pananampalataya at kaalaman ay kailangan para isang nagbibigay pag-asa na bisyon ng hinaharap. Ito ay nagsasaad na ang tradisyonal na relihiyon ay pumipinsala sa sangkatauhan. Ang Manifesto II ay kumikilala sa mga pangkat bilang bahagi ng pilosopiyang naturalistiko: "siyentipiko", "etikal", "demokratiko", "relihiyoso", at humanismong Marxista.

International Humanist and Ethical Union

baguhin

Noong 2002, nagkakaisang tinanggap ng IHEU General Assembly ang Amsterdam Declaration 2002 na kumakatawan sa opisyal na naglalarawang pahayag ng Humanismo ng Daigdig.[4]

Ang lahat ng mga kasaping organisasyon ng International Humanist and Ethical Union ay inaatasan ng bylaw 5.1[5] na tanggapin ang Minimum na Pahayag tungkol sa Humanismo:

Ang Humanismo ay isang demokratiko at etikal na posisyon ng buhay na nagpapatibay na ang mga tao ay may karapatan at responsibilidad na magbigay buhay at humugis ng kanilang mga buhay. Ito ay tumatayo para sa pagtatayo ng isang mas makataong lipunan sa pamamagitan ng etika na batay sa mga pagpapahalagang pantao at iba pa sa espririto ng katwiran at malayang pagsisiyasat sa pamamagitan ng mga kakayahan ng tao. Ito ay hindi teistiko at hindi tumatanggap ng mga pananaw na supernatural ng realidad.

Upang itaguyod at pag-isahin ang pagkakakilanlang Humanista, ang mga kilalang kasapi ng IHEU ay nag-endorso ng mga sumusunod na pahayag tungkol sa pagkakakilanlang Humanista:[1]

  • Ang lahat ng mga humanista, pambansa o pang internasyonal ay dapat palaging gumamit ng isang salitang Humanismo bilang pangalan ng Humanismo: walang idinagdag na pang-uri at ang inisyal na letra ay kapital.
  • Ang lahat ng mga humanista, pambansa o pang-internasyonal ay dapat palaging gumamit ng isang maliwanag at makikilalang simbolo sa kanilang mga publikasyon at saan man: ang ating simbolong Humanista ang Masayang Tao.
  • Ang lahat ng mga humanista pambansa o pang-internasyonal ay dapat maghangad na magtatag ng pagkilala sa katotohanan na ang humanismo ay isang posisyon ng buhay.

Council for Secular Humanism

baguhin

Ayon sa Council for Secular Humanism sa loob ng Estados Unidos, ang terminong sekular na humanismo ay naglalarawan ng pananaw ng daigdig na may mga sumusunod na elemento at prinsipyo:[6]

  • Pangangailangan na subukin ang mga paniniwala –Isang kumbiksiyon na ang mga dogma, ideolohiya at tradisyon kahit pa relihiyoso, pampolitika o panlipunan ay dapat tinitimbang at sinusubok ng bawat indibidwal at hindi lamang simpleng tinatanggap bilang katotohanan.
  • Katwiran, ebidensiya, at pamamaraang siyentipiko:  – Isang pangako ng paggamit ng kritikal na katwiran, ebidensiyang paktuwal, at pamamaraang siyentipiko sa paghahanap ng mga solusyon sa mga problema ng tao at mga sagot sa mga mahahalagang tanong ng tao.
  • Katuparan, paglago, pagiging malikhain –Ang isang pag-uukol sa katuparan, paglago at pagiging malikhain para sa parehong indibidwal at sangkatuhan sa pangkalahatan.
  • Paghahanap ng katotohanan – Isang patuloy na paghahanap ng obhektibong katotohanan na may pagkaunawa na ang bagong kaalaman at karanasan ay patuloy na nagbabago ng ating hindi perpektong persepsiyon nito.
  • Ang buhay na ito – Ang paguukol sa buhay na ito kesa sa kabilang buhay at isang pangako sa paggawa nitong makahulugan sa pamamagitan ng mas mabuting pagkaunawa ng ating mga sarili, ating kasaysayan, ang ating mga natamong intelektuwal at pang-sining at ang mga pananaw ng mga iba sa atin.
  • Etika – Ang isang pahahanap ng uunlad na mga prinsipyong pang indibidwal, panlipunan at pampolitika ng pag-aasal na etikal, na humahatol sa mga ito batay sa kakayahan ng mga ito na pabutihin ang kapakanan ng tao at responsibilidad ng indibidwal
  • Hustsiya at pagiging patas – isang interes sa pagtatamo ng hustisya at pagiging patas sa lipunan at pag-aalis ng diskriminasyon at intoleransiya.[7]
  • Pagtatayo ng isang mas mabuting daigdig – Isang kumbiksiyon na sa pamamagitan ng katwian, isang bukas na pagpapalitan ng mga ideya, kabutihan at toleransiya, ang pagsulong ay magagawa sa pagtatayo ng mas mabuting daigdig para sa ating mga sarili at mga anak.

Ang isang Deklasyon na Sekular Humanista ay inisyu noong 1980 nang mga nauna sa Secular Humanism, CODESH. Ito ay naglalatag ng mga ideal: malayong pagsusuri kesa sa pagsesensor at pagpipilit ng paniniwala; separasyon ng simbahan at estado, ang ideal ng kalayaan mula sa kontrol na relihiyoso at sa jingoistic na kontrol ng pamahalaan; etika batay sa kritikal na katalinuhan kesa sa hinango mula sa paniniwalang relihiyoso; edukasyong moral, skeptisismo sa relihiyon, paniniwala sa agham at teknolohiya bilang ang mahusay na paraan sa pag-unawa sa daigdig; ebolusyon, edukasyon bilang mahalagang paraan ng pagtatayo ng makatao, malaya at demokratikong mga lipunan.[8]

American Humanist Association

baguhin

Ang pangkalahatang doktrina ng Humanismo ay inilatag rin sa Humanist Manifesto na inihanda ng American Humanist Association.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Edwords, Fred (1989). "What Is Humanism?". American Humanist Association. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-30. Nakuha noong 19 Agosto 2009. Secular Humanism is an outgrowth of eighteenth century enlightenment rationalism and nineteenth century freethought... Secular and Religious Humanists both share the same worldview and the same basic principles... From the standpoint of philosophy alone, there is no difference between the two. It is only in the definition of religion and in the practice of the philosophy that Religious and Secular Humanists effectively disagree.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Compact Oxford English dictionary. Oxford University Press. 2007. humanism n. 1 a rationalistic system of thought attaching prime importance to human rather than divine or supernatural matters.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Definitions of humanism (subsection)". Institute for Humanist Studies. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-11. Nakuha noong 16 Enero 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Amsterdam Declaration 2002". International Humanist and Ethical Union. Nakuha noong 5 Hulyo 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "IHEU's Bylaws". International Humanist and Ethical Union. Nakuha noong 2008-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "What Is Secular Humanism?". Council for Secular Humanism. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-15. Nakuha noong 2012-11-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "The Affirmations of Humanism: A Statement of Principles". secularhumanism.org. The Council for Secular Humanism. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-09. Nakuha noong 2012-05-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. the Council for Secular Humanism (1980). "A Secular Humanist Declaration". the Council for Secular Humanism. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-17. Nakuha noong 27 Nobyembre 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "– HUMANISM AND ITS ASPIRATIONS- Humanist Manifesto III, a successor to the Humanist Manifesto of 1933*". Americanhumanist.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-09. Nakuha noong 13 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)