Ang artikulong ito ay tungkol sa isang selulang organiko. Tingnan ang tamod (pluido) para sa pluidong reproduktibo ng isang lalaki.

Ang semilya, semen, o pluwidong seminal (Ingles: semen o seminal fluid) ay isang pluidong naglalaman ng spermatozoa (tamod). Ito ay inilalabas ng mga gonad (glandulang sekswal) at iba pang mga organong sekswal ng lalake o mga hermaproditikong mga hayop at maaaring magpunlay (fertilize) ng itlog ng babae (ovum o ova). Sa mga tao, ang semilya ay naglalaman ng ilang mga bahagi bukod pa sa spermatozoa: ang proteolytic at iba pang mga ensima gaya ng fructose ay mga elemento ng semilya na nagtataguyod ng pagpapatuloy ng spermatozoa at magbigay ng medium upang malanguyan ng mga ito.

Mga gumagalaw na mga esperma habang pinagmamasdan sa tulong ng mga lente ng isang mikroskopyo.

Paglalarawan

baguhin

Ang terminong semilya ay tumutukoy sa selula ng lalaki para sa papaparami. Nagmula ito sa salitang Griyego na sperma na nangangahulugang punla. sa mga uri ng sekswal na pagpaparami na kilala rin sa tawag na anisogamy at oogamy, mayroong malaking pagkakaiba sa laki ng mga gametes. Ang maliliit na gametes ay tinutukoy bilag semilya o panlalaking selula. Ang isang uniflagellar na semilya na madaling gumalaw o lumipat ay tinatawag na spermatozoon, at ang mga hirap gumalaw o lumipat ay tinatawag na spermatium. Ang mga semilya ay hindi nahahati at hindi rin tumatagal ang buhay, ngunit pagkatapos ng pakikipag-isa nito sa pambabaeng selula o itlog, habang nasa proseso ng pagpaparami ay unti - unting nabubuo ang isang bagong organismo, na nagsisimula bilang isang totipotent zygote. Ang semilya ay haploid o pagkakaroon lamang ng isang set ng walang kapares na chromosome, ang 23 na mga chromosome nito ay maaaring sumugpong sa 23 na mga chromosome ng pambabaeng selula o itlog upang bumuo ng isang diploid cell o selula na mayroong kompletong dalawang magkapares na set ng chromosome. Sa mga mamal, ang semilya ay nabubuo sa bayag at inilalabas sa mismong ari ng lalaki. Maaari din itong makuha sa pamamagitan ng Testicular sperm extraction o ang pagkuha ng semilya mula mismo sa bayag. Ang semilya ng mga mamal ay binubuo ng ulo, katawan at buntot. Ang mga bangko na nangangalaga ng mga semilya ay may kakayanang mangalaga ng hanggang sa 170 litro ng semilya.

Tingnan din

baguhin