Senakhtenre Ahmose
Si Senakhtenre Ahmose ang paraon ng Ikalabingpitong Dinastiya ng Ehipto. Siya ay ipinanganak noong c. 1605 BCE at namatay noong c. 1560 BCE o 1558 BCE. Ang kanyang prenomen na Senakhtenre ay nangangahulugang "Pinatagal tulad ni Re".[2] [3] Ang ebidensiyang arkeolohikal bago ang 2012 ay nagmumungkahing ang kanyang paghahari ay maikli at tumagal ng ilang mgabuwan o 1 taon sa pinakamatagal. Gayunpaman noong 2012, ang dalawang mga halagang kontemporaryong monumento ng haring ito ay nahayag sa Karnak. Ito ay isang pasukan na natagpuang inukitan ng kanyang pangalang maharlika gayundin ang isang pragmentaryong kalisang lintel.[4] Ang pasukan o bakod ay inukitan ng ibang mga inskripsiyong hieroglipiko na nagsasaad na si Senaktenre ang may monumentong ito na inukit mula sa mga blokeng kalisa na inilipat mula sa Tura na nasa ilalim ng pamumunong Hyksos sa kanyang paghahari.[5]
Senakhtenre Ahmose | |
---|---|
Pharaoh | |
Paghahari | c.1 year?[1] (17th Dynasty) |
Hinalinhan | Sekhemre-Heruhirmaat Intef |
Kahalili | Seqenenre Tao |
Konsorte | Tetisheri |
Anak | Seqenenre Tao, Ahhotep, Ahmose Inhapi, Sitdjehuty; Kamose (?) |
Ama | Possibly Nubkheperre Intef |
Namatay | 1558 BC? |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Senakhtenre is now attested by two contemporary objects. In January to February 2012, a 17th dynasty granary doorway and a fragmentary lintel made of limestone found buried at Karnak was discovered by French Egyptologists. They proved to bear hieroglyphic inscriptions which recorded this king's royal titulary. All other references to him are posthumous and date to the New Kingdom period.
- ↑ Peter Clayton, Chronicle of the Pharaohs. Thames and Hudson Ltd., 2006. p.94
- ↑ Kim Ryholt, The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period, Carsten Niebuhr Institute Publications, Museum Tusculanum Press, 1997. pp.278-79
- ↑ A Pharaoh Of The Seventeenth Dynasty Identified At Karnak Naka-arkibo 2012-03-11 sa Wayback Machine. CFEETK
- ↑ Gate found in Karnak Temple adds new name to ancient kings' list Naka-arkibo 2021-07-15 sa Wayback Machine. Al-Ahram, March 4, 2012