Angkak

(Idinirekta mula sa Sereal)

Ang angkak[1] o sereales[2] ay mga butil o halaman na karaniwang itinatanim, inaalagaan, at inaani para sa kanilang nakakaing mga bungang buto. Sa botanika, tinatawag itong mga bunga o "prutas" na pinangalanang karyopsis (o caryopsis). Sa kasalukuyang panahon, mas maramihan na ang pagtatanim ng mga angkak at nakapagbibigay ng enerhiyang pangkatawan at pangkalusugan sa buong mundo kaysa iba pang mga pananim. Samakatuwid, kasama sila sa mga pangunahing pagkain ng tao at hayop. Mapagkukunan sila ng mga karbohaydreyts. Sa ilang mga umuunlad na mga bansa, ang mga angkak ang halos bumubuo sa mga pang-araw-araw na inihahaing pagkain (agahan, tanghalian, meryenda at hapunan). Sa mga mauunlad na mga bansa, mas banayad at sari-sari ang pagkonsumo ngunit itinuturing pa ring mahalagang bahagi ng diyeta. Kabilang sa mga angkak ang mga halaman at bungang butil na nagmumula sa mga trigo, palay (bigas), obena, at iba pang katulad.[3] Tinatawag ding sebada[4] at senteno ang mga angkak.[2] Kabilang din sa mga uri o produktong nagmula sa mga angkak ang mga otmil, ipa, darak, at ang mga lugaw na katulad ng tsamporado at mga katulad. Tinatawag na mga angkak na pang-agahan o sereales na pang-almusal ang mga angkak na kinakain tuwing oras ng pag-aagahan.

Ilan mga produktong pagkain na nagmula sa mga angkak, katulad ng mga tinapay.
Isang mangkok ng pang-agahang angkak na katabi ang isang tasang kapeng inumin.

Hinango ang salitang Ingles na cereal (katunog at kahawig ng sereales) mula sa pangalang Ceres, isang diyosang nauna pa sa pagkakaroon ng Sinaunang Roma. Si Ceres ang diyosa ng ani at pagsasaka.

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Angkak, cereal". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Cereals,cereal, sereales, sebada, senteno, sereales ó mga halamang gaya ng trigo, sebada; senteno, (ibp) Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  3. "Cereal". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 44.
  4. "Sebada," pananim na gaya ng palay Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org