Sezen Aksu
Si Sezen Aksu (isinilang bilang Fatma Sezen Yıldırım; 13 Hulyo 1954) ay isang Turkong mang-aawit, tagalikha at manunulat ng awitin. Isa siya sa pinakamatagumpay na mang-aawit na Turko, na nakapagbenta ng higit sa 40 milyong mga album sa buong mundo.[1] Ang kanyang mga palayaw ay kinabibilangan ng "Queen of Turkish Pop"[2][3] at "Minik Serçe" ("Little Sparrow" sa Ingles)
Ang impluwensiya ni Aksu sa Turkong pop at musikang pandaigdig ay nagpatuloy mula nang siya'y mag-umpisa noong taóng 1975, at nadagdagan pa ito sa pamamagitan ng kanyang pagtatangkilik at pakikipagtulungan sa maraming iba pang musikero, kasama na sina Yonca Evcimik, Sertab Erener, Şebnem Ferah, Aşkın Nur Yengi, Hande Yener, Yıldız Tilbe, Işın Karaca, Seden Gürel, Harun Kolçak at Levent Yüksel.[4][5] Sezen Aksu ay kilala bilang isang matagumpay na manunulat ng awitin. Ang kanyang pagtatrabaho kasama si Tarkan ay nagbunga ng mga sikat na awitin tulad ng "Şımarık" at "Şıkıdım" na sumikat sa buong kontinente. Ang kanyang pagsasama sa musika kay Goran Bregović ay nagpalawak ng kanyang pandaigdigang tagahanga. Noong 2010, pinangalanan siya ng NPR bilang isa sa "50 Mahusay na Tinig" ng mundo.[6]
Talambuhay
baguhinIsinilang si Sezen Aksu sa Sarayköy, Denizli, Turkiya. Ang kanyang ama ay isang guro sa matematika.[7] Lumipat ang kanyang pamilya sa Bergama noong siya ay tatlong taóng gulang at ginugol niya ang kanyang pagkabata at maagang kabataan doon.[8] Ang mga magulang ni Aksu ay pinigilan siyang kumanta dahil nais nilang magkaroon siya ng matatag na propesyon bilang doktor o inhinyero. Dati siyang naghihintay hanggang umalis sila sa bahay at kumakanta sa balkonahe ng pamilya.[9] Pagkatapos ng hayskul, nagsimula siyang mag-aral sa lokal na institusyong pang-agrikultura, ngunit huminto sa kolehiyo upang magtuon ng pansin sa musika.
Kasama ang kanyang malapit na kaibigan na si Ajda Pekkan, si Aksu ay kinikilala sa paglatag ng pundasyon ng musikang pop sa Turkiya noong dekada 1970.[10] Ang kanyang boses ay kumalat din sa Balkan[11] at sa Gresya. [12] Si Aksu ay nagtungo rin sa Europa at Estados Unidos upang masuri nang malalim ng mga kritiko.[13]
Siya ay naging tagapagtaguyod ng iba't ibang mga adhikain, kabilang ang suporta para sa repormang konstitusyonal, karapatan ng mga minoridad, karapatan ng kababaihan, kapaligiran, at reporma sa edukasyon sa kanyang bansa.[2] Si Aksu ay ikinasal at hiwalay na apat na beses, ngunit pinanatili ang pangalan mula sa kanyang ikalawang kasal kay Ali Engin Aksu, isang doktor sa heolohiya na kasalukuyang naninirahan sa Kanada. Siya'y may anak na lalaki kay Sinan Özer na may pangalang Mithat Can, na isa ring pangunahing bokalista ng bandang Pist'on.
Karera
baguhinAng bahaging ito ay dapat pang palawakin. (Hulyo 2024) |
Aktibismo
baguhinSi Aksu ay kilala sa kanyang malasakit sa mga isyung panlipunan at kaganapan. Noong 2009, sinuportahan niya ang demokratikong inisyatiba ni Recep Tayyip Erdoğan at ang proseso ng kapayapaan sa kanyang bansa.[14] Dahil dito, inangkin ng isang mamamahayag na si Hikmet Çetinkaya na ang ama ni Aksu ay tagasuporta ng kilusang Nur.[15][16] Habang may ilang artista ang sumuporta kay Aksu, mayroon ding naghayag na hindi makatuwiran ang kanyang mga kilos. Noong 2012, isinulat ni Aksu ang awiting "Tanrının Gözyaşları" (Luha ng Diyos) bilang pag-alala sa mga sundalong namatay sa labanang Kurdo–Turko.[17][18]
Tungkol sa mga kabataan na lumahok sa mga unang araw ng protesta sa Gezi Park noong taóng 2013, sinabi niya: "Ito ang kauna-unahang rebolusyong kabataan sa mundo. Nagpadala sila ng napakahalagang mensahe, at ang katauhan roon, pati na ang mga nagpoprotesta sa daan, ay nagpapahayag ng kanilang mga saloobin sa isang kakaibang paraan."[19] Noong 2014, muling binigyang-pugay niya ang mga kabataan na lumahok sa mga protesta sa pamamagitan ng kanyang bagong awitin na "Yeni ve Yeni Kalanlar."[20]
Si Aksu ay masigasig na lumalaban sa mga isyu tulad ng misohinya, kakulangan sa edukasyon, diskriminasyon, pambubulas, at homophobia. Ayon sa magasing pang-LGBT na KAOS GL, siya ay isang mahalagang "gay icon," at tinanggap ng komunidad LGBT ng Turkiya bilang isang kinatawan ng kalinangang tanyag.[21] Noong 2002, kasama sina Ajda Pekkan at Seyyal Taner, si Aksu ay itinanghal bilang isa sa mga gay icon na hinahangaan ng mga LGBT sa Turkiya sa aklat na Eşcinsel Erkekler ni Murat Hocaoğlu.[21] Sa isang surbey na isinagawa ng KAOS GL,[22][23] siya ang napili bilang isa sa mga paboritong gay icon ng mga kalahok. Pinuri si Aksu ng komunidad LGBT sa Turkiya[21] at aktibo siyang tumutulong at sumusuporta sa mga LGBT sa pamamagitan ng mga gawain sa kawanggawa.[21][24] Noong 2008, sinuportahan niya ang samahang LGBT na Lambdaistanbul, na ipinasara ng isang desisyon ng hukuman dahil sa "paglabag nito sa pangkalahatang moralidad."[25] Noong 2013, nakipagtanghal si Aksu kasama ang transekswal na aktres na si Ayta Sözeri sa entablado.[24] Pagkatapos nito, ipinakita ang isang malaking bahagharing watawat na sumasagisag sa kilusang LGBT na itinanghal, na naging kauna-unahang pagkakataon ng isang Turkong mang-aawit na nagbigay ng pampublikong suporta para sa komunidad LGBT sa entablado.[26][27] Noong 2013, naglabas siya ng pahayag sa kanyang opisyal na websayt[28] bilang suporta sa SPOD (Social Policy Gender Identity and Sexual Orientation Studies Association) sa kanilang unang anibersaryo.[29][30] Sa kanyang pahayag, binanggit niya si Mesut Şaban Okan, na tinaguriang "İrem", na naging biktima ng hate crime sa Bursa noong 2010. Pinaalala niya ang sinabi ni Melek Okan tungkol sa pagkamatay ng kanyang anak, na nagsabing "Wala silang mahanap na lugar para sa aking anak kahit saan sa mundo!"[31] Pinag-usapan ni Aksu ang karahasan laban sa mga LGBT at idinagdag niyang lalabanan niya ang karahasan at diskriminasyon.
"'Wala silang mahanap na lugar para sa aking anak kahit saan sa mundo...'
Maaari bang may pangungusap na kasing-simple, malalim, at masakit? Ang ganitong mga salita ay karaniwang nagmumula sa isang ina o ama.
Hanggang kaya pa akong huminga, lalaban ako sa diskriminasyon, sa pagtrato sa iba bilang iba, at sa walang awa nilang pananakit sa mga hindi nila kauri; kakampihan ko ang mga tinanggalan ng karapatan na mabuhay. Buo ang puso't pag-asa..."
— Sezen Aksu (ika-11 ng Oktubre 2012)[32]
Ang 266854 Sezenaksu, isang asteroyd na natuklasan noong taóng 2009, ay ipinangalan sa mang-aawit na 'to.[33]
Pansariling buhay
baguhinSi Sezen Aksu ay ikinasal kay Hasan Yüksektepe sa murang edad, at sila ay naghiwalay agad pagkatapos. Sa simula ng kanyang propesyonal na buhay, pinakasalan niya si Ali Engin Aksu, na ang apelyido ay kanyang ginamit at patuloy na ginamit. Noong ika-10 ng Hulyo 1981, ikinasal si Sezen Aksu kay Sinan Özer habang siya'y buntis sa kanilang anak. Naghiwalay ang mag-asawa noong taóng 1983. Ang kanyang kasal kay Ahmet Utlu, isang mamamahayag, noong taóng 1993 ay naging maikli rin at natapos sa diborsyo.[34]
Bukod sa kanyang mga kasal, romantikong nakarelasyon din niya ang kompositor na si Uzay Heparı.[35][36]
Diskograpiya
baguhinStudio album
baguhin- 1977: Allahaısmarladık
- 1978: Serçe
- 1980: Sevgilerimle
- 1981: Ağlamak Güzeldir
- 1982: Firuze
- 1984: Sen Ağlama
- 1986: Git
- 1988: Sezen Aksu'88
- 1989: Sezen Aksu Söylüyor
- 1991: Gülümse
- 1993: Deli Kızın Türküsü
- 1995: Işık Doğudan Yükselir (Ex Oriente Lux - Light Rises From the East)[37]
- 1996: Düş Bahçeleri
- 1997: Düğün ve Cenaze
- 1998: Adı Bende Saklı
- 2000: Deliveren
- 2002: Şarkı Söylemek Lazım
- 2003: Yaz Bitmeden
- 2005: Bahane
- 2005: Kardelen
- 2008: Deniz Yıldızı
- 2009: Yürüyorum Düş Bahçeleri'nde...
- 2011: Öptüm
- 2017: Biraz Pop Biraz Sezen
- 2018: Demo
- 2022: Demo 2
Pilmograpiya
baguhin- Minik Serçe (The Little Sparrow) – (1979)
- Büyük Yalnızlık (Great Solitude) – (1990)
- Crossing The Bridge: The Sound of Istanbul – (2005)
- The Ottoman Republic – (2008)
Musikal
baguhin- Sezen Aksu Aile Gazinosu (Sezen Aksu Family Music Hall) – (1982)
- Sezen Aksu Söylüyor Müzlikali — (1985)
- Bin Yıl Önce Bin Yıl Sonra (1000 Years Before, 1000 Years Later) – (1986)
Aklatan
baguhin- Eksik Şiir (The Missing Poem) (Unang isyu: 9 Setyembre 2006 - Pangalawang isyu: 11 Mayo 2007)
- Eksik Şiir İkinci Kitap (The Missing Poem, Book Two) (Nobyembre 2016)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ CD Baby Naka-arkibo 2 May 2006 sa Wayback Machine.
- ↑ 2.0 2.1 "6moons.com - world music: Sezen Aksu "Sarki Söylemek Lazim "". 6moons.com. Nakuha noong 22 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sezen Aksu – review". The Guardian. 21 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Qantara.de - Dialogue with the Islamic World". En.qantara.de. Nakuha noong 22 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ferhat Göçer'in Aksu hakkındaki beyanatları". Sabah. Nakuha noong 3 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sezen Aksu: The Voice Of Istanbul". NPR. 12 Abril 2010. Nakuha noong 25 Mayo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sezen Aksu: Laz'ın ağababasıyım". En Son Haber. 16 Hunyo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 24 Hunyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sezen Aksu biyografisi". Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Marso 2016. Nakuha noong 1 Oktubre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Grant, Neva (12 Abril 2010). "Sezen Aksu: The Voice Of Istanbul". Morning Edition(50 great voices). Nakuha noong 24 Mayo 2011.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ang ekspresibong teknika sa pagkanta ni Aksu, natatanging istilo ng pagsusulat ng kanta, at masaganang produksyon ay pawang mahahalagang bahagi ng kanyang tagumpay at sa pag-unlad ng kakaibang tunog ng Turkong pop. Maraming musikero—halimbawa, si Alexander Hacke at ilang mga artistang kinapanayam niya para sa dokumentaryong Crossing the Bridge: The Sound of Istanbul—ang kumilala sa malawak na impluwensya ni Sezen Aksu.
- ↑ "Goran Bregovic: Welcome to Bregovic". The Guardian. 21 Hulyo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sa paglipat ng mga Griyego mula sa Turkiya noong dekada sitenta, marami ang nagdala ng kanilang panlasa sa musika, kasama na ang musika ni Aksu sa Gresya; kinikilala ng mga musikong Griyego na sina Haris Alexiou at Giorgos Dalaras ang kanyang impluwensya.
- ↑ "Sezen Aksu". The Guardian. 19 Hunyo 2002.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Renowned singer Aksu deplores ongoing bloodshed, calls for end to Kurdish issue". Today's Zaman. 18 Hulyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Disyembre 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sezen Aksu'dan Başbakan'a açılım telefonu Sabah newspaper
- ↑ Sezen Aksu'dan Erdoğan'a tam destek Haber 7 news
- ↑ "Sezen Aksu Şehitler İçin Yazdı..." Acunn. 7 Setyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 4 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sezen Aksu'dan operasyon karşıtı şiir Naka-arkibo 2008-06-10 sa Wayback Machine. En Son Haber
- ↑ "Sezen Aksu'dan Başbakan'a mesaj". Hürriyet. 7 Hunyo 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Pebrero 2015. Nakuha noong 4 Abril 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sosyal medyadaki tartışmalara yönelik önemli düzeltme…". Sezen Aksu Official Website. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2015. Nakuha noong 30 Agosto 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 21.0 21.1 21.2 21.3 Semra Kardeşoğlu (17 Setyembre 2002). "Gay'ler hangi şarkıcıları sever?". Milliyet. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Marso 2016. Nakuha noong 6 Enero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kaos GL Dergi" Issue: 96, Page: 6-9, Kaos GL Türkiye’nin ’gey ikonu’nu seçiyor Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.
- ↑ Mevlüt Tezel (15 Nobyembre 2007). "Yeni gay ikonu". Hürriyet. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Enero 2014. Nakuha noong 5 Enero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 24.0 24.1 "Sezen Aksu'dan Gezi'ye ve eşcinsellere inadına destek!". metrosfer.com. 10 Agosto 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Oktubre 2014. Nakuha noong 15 Enero 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sezen'den Eşcinsellere Destek". Magazinhaberi. 15 Hulyo 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Mayo 2014. Nakuha noong 4 Abril 2013.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Onur Baştürk (22 Hulyo 2013). "'Tarkan ve Ajda olunca tamam, bana gelince tutum değişiyor!'". Hürriyet. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Disyembre 2014. Nakuha noong 5 Enero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "İsmail Alacaoğlu". Kaos GL. 20 Hulyo 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Nobyembre 2015. Nakuha noong 15 Mayo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sezen Aksu'dan mektup var". Hürriyet. 11 Oktubre 2012. Nakuha noong 6 Enero 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "40 yıllık nasihat: Şarkı söylemek lazım". Radikal.com.tr. Nakuha noong 22 Hunyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sezen Aksu'dan LGBT bireylerin mücadelesine destek mesajı". Marksist. 11 Oktubre 2012. Nakuha noong 15 Mayo 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'İrem'in annesinden acı sözler". Posta. 9 Disyembre 2010. Nakuha noong 15 Mayo 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sezen Aksu'dan LGBT'lere mektup var..." Sezen Aksu official website. 19 Oktubre 2013. Nakuha noong 6 Enero 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jean Claude Merlin '266854 Sezenaksu'nun hikâyesini anlattı". Haberturk. 2 Pebrero 2017. Nakuha noong 7 Pebrero 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sezen Aksu'nun yeni aşkı". Akşam. 5 Setyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 28 Mayo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Onur Baştürk (1 Setyembre 2011). "Ortada masum bir sevişme var". Hürriyet. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Oktubre 2015. Nakuha noong 28 Mayo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sezen Aksu ile Yıldız Tilbe dargın mı?". Uzman TV. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 28 Mayo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Simon Broughton, Mark Ellingham, Richard Trillo World Music: Africa, Europe and the Middle East 1858286352 1999 p.410 "Ang paglabas ng album na ito ay naging pangunahing balita sa Turkiya. Sa kabila ng kasikatan nito, kapansin-pansin ang CD na ito, mula sa matinding simula gamit ang orkestra (na pinagtulungan kasama si Onno Tunç), hanggang sa masining at payak na estilo na sumasalamin sa lahat ng kanyang mga pinakabagong gawa."
Mga kawing panlabas
baguhin- Opisyal na website
- Sezen Aksu sa IMDb
- Sezen Aksu (19 Hunyo 2002). The Guardian.
- Seze Aksu discography (sa wikang Turko)