Ang shamisen o samisen (三味線, literal na "tatlong bagting"), na tinatawag din bilang sangen (三絃, literal na "tatlong kuwerdas"), ay isang instrumentong pangmusika ng Hapon na mayroong tatlong mga bagting o kuwerdas na pinatutugtog sa pamamagitan ng puwa o panipa (pangtipa) na kung tawagin ay bachi. Ang pagbigkas na Hapones ay karaniwang "shamisen" subalit kung minsan ay nagiging "jamisen" kapag ginamitan ng isang hulapi (halimbawa na ang Tsugaru-jamisen).[1] Sa kanlurang Hapon, at madalas mula sa mga napagkunang mga sanggunian mula sa panahon ng Edo, ang pagbigkas sa kung minsan ay "samisen".

Isang lumang larawan ng isang babaeng Hapones na tumutugtog ng Shamisen.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The Stringed Instrument Database". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-01-14. Nakuha noong 2014-05-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.